Marco: Friends pa rin kami ni Julianna | Bandera

Marco: Friends pa rin kami ni Julianna

|February 19,2019
facebook
share this

Marco: Friends pa rin kami ni Julianna

- February 19, 2019 - 12:05 AM


MAGKAIBIGAN pa rin sina Marco Gallo at Juliana Gomez sa kabila ng desisyon nilang maghiwalay after their short relationship.

Sa pagbabalik sa bansa ni Marco mula sa Italy ay inamin nitong naging girlfriend niya ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres pero hindi rin sila nagtagal dahil sa ilang “personal reasons.”

Nakausap ng entertainment press ang dating PBB Lucky Season 7 housemate sa mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Familia Blondina” kung saan gumaganap siyang anak ni Karla Estrada, sinabi nitong “for good” na ang pananatili niya sa bansa para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Ayon kay Marco, bumalik siya sa Pilipinas dahil marami siyang nami-miss dito. Aniya, iba pa rin daw ang feeling na nandito siya kesa sa Italy. Doon niya napatunayan na may ibang magic ang Pilipinas kaya nagdesisyon siyang dito na lang ipagpatuloy ang kanyang career.

“Hinahanap-hanap ko po talaga ang Philippines, that’s why I’m came back,” ang pahayag pa ng binata.
Dito naging bukas naman ang binata sa pagsagot tungkol sa nakaraan nila ni Julianna. Hindi pa raw sila nagkikita ng dalaga mula nang bumalik siya sa Pilipinas, “Kasi kakagaling niya lang po ng Ormoc, and ako, I’ve been busy po sa ‘Familia Blondina.’ We might go to Wander Festival, like friends. Friends lahat kami.”

Inamin ni Marco na mutual decision nila ng ex-girlfriend na huwag ibandera ang kanilang relasyon in public, “It’s fine because ako din at first I was denying it. I didn’t want na, if it’s not needed to make it public, I don’t want kasi that’s my life. I want to keep it as not a secret as possible, but as private.

“Before Juliana, there was some relationship stuff na nasama ang showbiz, and it affected our relationship, so by experience, I don’t want na,” pahayag ng Kapamilya young actor.

Bago umuwi sa Italy, naging magka-loveteam sina Marco at Kisses Delavin na nakasama rin niya sa PBB house noon, kaya sa tanong kung payag ba siyang magkaroon ng bagong partner on screen, “Well, I’m open to it, if they partner me with anyone, it’s going to be another challenge, game ako du’n.”

Nagpapasalamat si Marco kay Karla at sa producer ng “Familia Blondina” pati na rin sa direktor nitong si Jerry Sineneng dahil isinama siya sa napakagandang proyektong ito. Ipinagdarasal daw niya na sana’y maging blockbuster ito at sana’y magustuhan talaga ng mga manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending