Kisses sumugod sa SG para sa kaarawan ni Donny

By Jun Nardo February 17,2019
share this

Kisses sumugod sa SG para sa kaarawan ni Donny

By Jun Nardo February 17,2019
share this


SHORT but sweet ang pagbabakasyon ni Kisses Delavin sa Singapore para makapiling ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan sa 21st birthday ng young actor.

Family affair ang naging ganap dahil nasa SG rin ang father ni Donny na si Anthony Pangilinan at sister na si Ella. Kasama naman ni Kisses ang pamilya niya.

Sa Instagram ipinost ni Kisses ang ilang pictures nila sa Singapore, ibinalita rin niya sa kanyang mga social media followers na nakabalik na rin siya sa bansa.

“Singapore in less than 12 hours. Happy birthday @donny! Even if our trip was short, with how packed your schedule is, every moment counts. Happy to have spent this weekend with you (and that I got to sneak in a little exposure on the art industry here for me,” caption ni Kisses sa kanyang IG photo.

q q q

Sumailalim sa dance workshops at diving lessons sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali para sa upcoming Kapuso series na Sahaya. Pinag-aralan din nila ang kultura at tradisyon ng mga Badjaw dahil konektado nga ito sa kanilang mga character sa serye.

Nagulat lang kami sa ilang cast members na kasali sa Sahaya, kabilang na nga ang magaling na character actress na si Mylene Dizon, huh!

Wala kasing masyadong ingay ang tungkol sa pagbabalik niya sa GMA 7 at ang pagkakasama niya sa nasabing serye. Tila tahimik lang ang pag-ober da bakod niya sa Kapuso Network bilang per project lang ang kanyang kontrata.

Naku, ano kayang mase-say dito ni John Estrada na nasa GMA na rin ngayon? Kung matatandaan, nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng dalawa noong nagkasama sila sa isang serye sa kabilang istasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending