Kris sa lahat ng paninirang-puring ginawa ng kalaban: I’m still here, it didn’t work…
KUNG may isang lesson na natutunan si Kris Aquino sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya nitong nagdaang 2018, ito ay ang, “The wisdom of silence.”
Ayon sa Social Media Queen, sa dami ng hinarap niyang challenges sa buhay last year, kabilang na ang kasong isinampa niya laban sa dating business partner at sa kanyang autoimmune disease, natutunan na rin niya kahit paano ang “art of deadma.”
Sa four-part series ng kanyang “Unscripted with Kris” na naka-post sa KCA Productions social media accounts, sinabi ng mommy nina Joshua at Bimby na buong-buo pa rin ang kanyang kredibilidad at reputasyon sa kabila ng mga kanegahang ibinato sa kanya, lalo na ng kampo ng dati niyang business associate na si Nicko Falcis.
“Bakit ko papatulan ‘yung mga kasinungalingan na ako mismo… naging buhay ko ‘yun, eh. I lived it. So why do I have to explain my life to people who have already pre-judged me? Why will I say a story na ‘yung sa kanila based on fiction, akin, based on facts? Ganu’n ka-simple ‘yun.
“I have complete trust in my laywers, because there are certain things talaga na hindi nadadaan sa magandang usapan, dahil ‘yung kausap mo are living in a different planet.
“Madaling mag-concoct ng version nila, pero bakit ko papatulan ‘yung version na ‘yun when it will steal my peace? So I chose silence because I’ve finally grown up,” paliwanag ni Kris.
Napag-usapan din sa “Unscripted with Kris” ang tungkol sa leaked audio recording ng phone conversation nila ni Nicko Falcis, na siyang naging dahilan para mag-apologize siya sa madlang pipol sa pamamagitan ng Facebook live video noong kalagitnaan ng January, 2019.
Paliwanag ni Tetay, “The last conversation was September 27, that last illegally recorded conversation occurred. Magmula noong panahon na ‘yun, siguro nag-ipon siya ng kuwento niya at mga paninirang gagawin sa akin… I’m still here, it didn’t work!”
Nagsampa ng kasong theft (P1.27 million) si Kris laban kay Falcis pero mariin itong itinanggi ng dati niyang business partner, wala raw siyang ninakaw mula sa KCAP at sa katunayan meron pa raw siyang dapat singilin kay Kris.
Ayon kay Kris, mukhang imposible na niyang mapatawad si Nicko, “Hindi na, dahil sobrang kawalanghiyaan na ang pinagdaanan ko. Utang na loob, hindi! Milyon-milyon na ang nagastos ko sa laywers ko. There’s no remorse and there’s nothing but hatred being thrown my way. There has been zero gratitude when I earned millions for him.
“Niloko na ako, dinaya na ako, pinapamukha pang ako ang pinakawalang-hiyang tao sa mundo. Bakit ko patatawarin? E ‘di ang buong Pilipinas, sasabihin naman — ang pinaka tangang tao sa Pilipinas si Kris Aquino. No,” mariing sabi ng Queen of All Media.
Tungkol naman sa kanyang sakit, tumanggi nang magdetalye pa si Kris, “I was told by my legal team to not discuss it, only because we have ongoing court cases. Sinabihan ako na iregalo ko raw sa sarili ko ‘yung privacy of that.
“Sa lahat ng mga paninirang-puri na ginawa nila sa akin, pangsasampal ko na lang lahat ng medical records verified from Singapore in October and January. The truth is always the best revenge,” ang pahayag pa ng TV host sa kanyang IG video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.