Gina Lopez, Nat Geo sanib-pwersa sa ‘G Diaries’ Season 3
AABOT na sa ibang bansa ang adbokasiya ng premyadong travel show ni Gina Lopez na G Diaries sa ABS-CBN sa pagkakaisa ng programa at ng National Geographic Society (NAT GEO) para sa ikatlong season nito.
Magbabalik ang G Diaries simula Marso 3 upang ibahagi ang kwento ng walong komunidad ng I LOVE (Investments in Loving Organizations or Village Economies) na bibigyan ng teknikal at pinansyal na suporta para sa mga proyektong isusulong nila upang maiangat ang kabuhayan sa kanilang lugar.
Nangako ang NAT GEO na ipakikita rin ang mga kwentong ito sa buong mundo sa iba-ibang plataporma nito sa TV at online. Makakasama sila ng G Diaries sa mga “I LOVE” sites sa Tublay, Benguet, Bulusan, Sorsogon, Sta Cruz Island, Zamboanga, Polomolok, South Cotabato, Lake Sebu, South Cotabato, Simunul Island at Bongao, Tawi Tawi, Upi, Maguindanao at Maramag, Bukidnon, na tutulungang payamanin at palawakin ang mga industriyang natural sa kanila tulad ng agro-foresty, fishery, at ecotourism.
Sa ginanap na presscon kahapon, pumirma si Gina Lopez at ang FOX International Channel senior vice president at general manager na si Jude Turcuato ng memorandum of agreement upang pagtibayin ang pagsasanib-pwersa ng G Diaries at NAT GEO.
Mula 2017, sinusuportahan ng G Diaries ang adbokasiya ng I LOVE sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga karanasan ng mga komunidad sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng kanilang lugar.
Noong 2018, nanalo ito ng Best Travel Show sa ika-32 na PMPC Star Awards at Most Development-Oriented Environment Program at the UP Gandingan Awards 2018.
Panoorin ang G Diaries Season 3 sa ABS-CBN tuwing Linggo simula March 3 ng 10am. Mapapanood rin ito sa TV sa ANC, the ABS-CBN News Channel at sa METRO Channel.
Samantala, habang ibinabahagi ni Gina Lopez ang mga nagawa ng G Diaries para sa ilang komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa ay hindi nito napigilan ang mapaluha.
Mas naging emosyonal ang host ng programa nang isa-isahin na niya ang mga taong patuloy na tumutulong sa kanilang adbokasiya nang walang bayad.
Present din sa ginanap na presscon ng G Diaries kahapon sina Prof. Ed Magdaluyo, President of UP Mountaineers; Atty. Jean De Castro, CEO of Esca Engineers; Robert So, CEO of Ecosystems; Vevey Lescano, Operations Manager of ILOVE Foundation; Regina Lopez, Founder and Chairwoman of ILOVE Foundation; Jude Turcuato, General Manager of Fox Networks Group Asia Philippines; Charo Espedido, Head of Marketing of Fox Networks Group Asia Philippines.
Nandoon din sina CheChe Jardeleza, Head for Production of Fox NGA Ph; Marisol Prieto, Marketing Manager, FOX NGA Ph; Bricks Agcopra, SPVTop International; Archie Miclat, SPVTop International; at Anton Mendoza, SPVTop International.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.