Manay Lolit inalala ang krusada ni Gina Lopez laban sa illegal logging, mining | Bandera

Manay Lolit inalala ang krusada ni Gina Lopez laban sa illegal logging, mining

Reggee Bonoan - November 17, 2020 - 02:58 PM

 

Dahil sa mga mga nagdaang bagyong Rolly at Ulysses na ginawang dagat ang Bicol region, Cagayan, Isabela, Marikina City at ilang bahagi ng bayan ng Rizal (Cainta, San Mateo at Montalban) ay nagbalik sa alaala ng talent manager na si Lolit Solis si dating Environment Secretary Gina Lopez at ang krusada nito sa illegal logging, mining at quarry.

Pinost ni manay Lolita ng larawan ni Ms Gina at ang caption, “Tuwing may baha, malakas na ulan, sakuna tulad ng Ondoy at Ulysses, lagi pinag-uusapan iyon quarry, illegal logging, mining.

“Pag limot na iyon nangyari, limot narin iyon inquiry tungkol sa illegal logging, mining at quarry. Ang apektado lagi nito iyon mga nakatira sa Marikina at Montalban, lagi sila ang affected, lagi sila ang napupuruhan.

“Nakapagtataka kung bakit hindi sila mismo ang magbantay sa mga gumagawa nito, hindi ba dapat parang sarili mong bahay na bantayan mo para walang sumira? Tutoo, powerful at influential ang mga taong involve dito, mahirap banggain dahil baka magbuwis ka ng buhay, pero di ba buhay mo rin ang binabantayan mo kaya dapat may gawin ka?

“Tutoo, malaki at matibay na pader iyan, meron pera, sino ka para lumaban, pero malay mo, tulad ni Gina Lopez, meron karin makuhang kakampi. Saka pag maingay na, siyempre matatakot din iyon mga gagawa ng masama.

“Kung nakita mo na nagpuputol ng puno, kapit kamay kayong lahat na nakatira sa lugar at pilitin mapigil ang ginagawa nila, kung may nagku-quarry, pigilan nyo, isumbong, gumawa ng ingay para mabulabog sila.

“Iyon illegal mining, for a while nag standstill dahil sa ginawa ni Gina Lopez, puwede din ulitin. Pag hindi tayo mismo ang magbabantay, sino magmamalasakit sa atin? Kayo nakatira diyan sa Montalban at Marikina at Catanduanes, kayo ang nakakakita ng ginagawa nilang mali, mag ingay kayo, mag reklamo, sure ako sa dami ng mga tao ngayon na socially aware sa mga magaganap at mangyayari, magkakaruon kayo ng kakampi.

“Kayo magbantay, bahay nyo iyan, tutulong mga kapitbahay nyo. Umasa kayo. Stand tall fighting. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.

Sumang-ayon naman kay manay Lolita ng kanyang followers tulad nina:

@juanasvgram, “Sana po kasi mismong gobyerno proteksyunan kalikasan

At ang matapang na sabi ni @jpoeatnenre, “Sabhin n’yo kay MIKE DEFENSOR yan! ‘Yan ang namulitika kay Gina Lopez! Tapos ngayon mga nanahimik di tumulong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni @milesdsalindayu, “Yes manay, may participation din dapat ang mga tao sa kalikasan dapat mag noise barrage sila sa mga kumpanya na nagka-quarry sa lugar n’yan.  Eto approved project na KALIWA dam ang dami katutubo ang ayaw even all LGU’s pero pursigido ang DPWH na ituloy kasi daw lahat okay na China ang gagawa. Minsan nman kasi tayu sa una lang lagi naingay after years wala limot na naman. Sana maging consistent sa lahat ng bagay lets protect nature and ourselves as well.”

Oh well…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending