Guiao ihahanda ng husto ang PH 5 sa huling window ng FIBA World Cup qualifer | Bandera

Guiao ihahanda ng husto ang PH 5 sa huling window ng FIBA World Cup qualifer

Melvin Sarangay - February 14, 2019 - 06:59 PM

I

IHAHANDANG mabuti ni head coach Joseller “Yeng” Guiao ang Philippine men’s national basketball team sa pagsabak nito sa mga krusyal na laban kontra Qatar at Kazakhstan sa huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifying Tournament.

Sinabi ni Guiao na pangangalanan niya ang kanyang “Squeaky Dozen” mula sa 14-man pool bago lumipad ang kanilang delegasyon patungo sa Doha, Qatar ngayong Pebrero 16.

“Pinaghahandaan talaga namin ‘yung endgame,” sabi ni Guiao. “‘Yung mga kalaban kasi natin sanay na sanay na sila at kabisadong-kabisado na nila ang gagawin nila kapag nasa last five minutes at lalong-lalo na sa last two. Natuto na tayo doon at sana magawa natin in this last two games.”

Makakaharap ng Team Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21 at ang Kazakhstan sa Pebrero 24.

Kinailangan naman ni Guiao at PH 5 na maagang tumungo sa Doha para makapaag-ensayo ang koponan kasama ang naturalized player nitong si Andray Blatche.

Ang iba pang miyembro ng pool ay sina Jayson Castro, Paul Lee, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo, Troy Rosario, Gabe Norwood, JP Erram, Raymond Almazan, Roger Pogoy, Mark Barroca, Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Ang top three teams sa Group E at F kasama ang No. 4 team na may pinakamagandang win-loss record ay awtomatikong makakakuha ng puwesto sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China ngayong Setyembre.

Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto sa Group F sa hawak na 5-5 kartada. Nasa ikatlong puwesto ang Japan (6-4) habang nasa ikalimang puwesto ang Kazakhstan (4-6).

Ang Group F ay pinangungunahan ng Australia (9-1) na sinusundan ng Iran (7-3). Ang Qatar ay nasa ikaanim at huling puwesto sa 2-8 record.

Ang huling dalawang kalaban ng Japan sa huling window ay ang Iran at Qatar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Group E ay pinamumunuan ng New Zealand na may 9-1 record at sinusundan ito ng South Korea (8-2), China (6-4), Lebanon (6-4); Jordan (5-5); at Syria (2-8).

Samantala, magkakaroon naman ang 2019 PBA Philippine Cup ng dalawang linggong pahinga bilang pagsuporta sa national squad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending