Crusading journalist akala mo ‘di propagandista noon ng pulitiko | Bandera

Crusading journalist akala mo ‘di propagandista noon ng pulitiko

Den Macaranas - February 15, 2019 - 12:10 AM

NAPAPANGITI na lamang at napapailing ang ilang mga nakakakilala sa isang sikat na crusading journalist kuno kapag nakikita nila itong naglilitanya sa mga media interviews.

Kapag siya’y nagsalita ay parang siya na ang magliligtas sa media industry sa anino ng katiwalian at iba pang kontrobersiya.

Sinabi ng ilang sa mga dati niyang katrabaho na notorious umano si madam pagdating sa pera.

Nakita nila ito noong nasa PR industry pa ang bida sa ating kwento ngayong araw.

Siya raw kasi ang “bag girl” ng isang sikat na PR specialist lalo na sa mga political account.

Si Madam ang tagapaghatid ng payola para sa ilang media personalities noong mga panahong iyon.

Pero lingid sa kaalaman ng kanyang amo ay may kakaiba palang ugali si Madam na hindi mo akalaing ginawa niya dahil sa kanyang estado sa kasalukuyan.

Kilalang mambubukol ang ating bida dahil ibinubulsa umano nya ang bahagi ng pera na dapat ay ipinamumudmod nya sa kanilang mga kakontratang media personnel.

Ibang-iba ito sa kanyang pagkatao na animo’y bahagi ng isang perpektong lipunan at walag ginawa kundi ang bumatikos sa pamahalaan.

Hindi rin naniniwala ang kanyang mga dating kasamahan na nagbago na si Madam dahil hanggang ngayon pala ay suma-sideline pa rin ito bilang propagandista ng ilang pulitiko.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga ay si Miss I….as in Independent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending