Maitim, malaking nipple senyales na may anak na | Bandera

Maitim, malaking nipple senyales na may anak na

Dr. Hildegardes Dineros |July 15,2013
facebook
share this

Maitim, malaking nipple senyales na may anak na

Dr. Hildegardes Dineros - July 15, 2013 - 07:00 AM

Doc, tanong ko lang kung bakit malaki ang nipple ng syota ko, wala naman syang anak, kasi yung ibang nakasiping ko e maliliit ang nipple, ibig bang sabihin nito na yung nipple ng syota ko eh meron nang nakagalaw rito? — Benjie, 26, Baguio City, …6908
Kapag nagbuntis at nanganak na ang isang babae, nagiging darker at prominent ang nipple-areola complex dahil sa hormones at paghahanda sa pagpapasuso.
Doc. Ano po ba ang pinaka mabisang gamot at mainam gawin upang maalis na ang mga pabalik balik na pimples. Acne, whiteheads at black heads ko . . Thanks po.  — Mark Anthony Ramos, 18, Camarines Norte, …2991
Mas mainam magpatingin sa Dermatologist. Pansamantala, uminom ng CLINDAMYCIN 300mg 1 cap daily for 1 month, maglinis ng mukha ng soap and water tapos magpunas ng ASTRINGENT(example- Eskinol), tapos maglagay ng BENZOYL PEROXIDE. Iwasan ang stress, matulog ng husto sa oras, iwasan ang sigarilyo, at mga pagkain na oily.
Doc kahit araw-araw po ako nagllinis ng tainga ko kinabukasan may madumi at may amoy pa, na infection na ang tainga ko.. Doc sana mabigay ka ng lunas sa problem ko, salamat at more power. — 41, Bacolod City, ….9564  
Kailangan magpatingin ka sa ENT specialist, malamang may infection yan tenga mo, mabuti kung sa External ear lang o sa canal. Pero kung yan ay OTITIS MEDIA o LUGA, kailangan mo ng antibiotics (AMOXYCILLIN 500 mg 3x a day fo 10 days), decongestant (Sinutab 1 09072863605    Jane,29, Negros occidental, cap 3x a day for 1 week) at linisin din ang canal ng Agua oxinada sa ear buds.
Gud am! Doc, bakit after now hindi ko pa rin nababasa ang kasagutan ng tanong ko, every MWF po ako bumibili ng Bandera, column nyo lang po ang binabasa ko. –Rose, Cotabato, ….2863  
Nasagot ko na lahat ng tanong, pwedeng hindi pa lang na-publish, mag-hintay lang.
Good day, doc.  Ask lang po ako ano po ba ang mabisang cream para sa mga peklat,  sa mga itim na elbow. Salamat po.   Jane, 29, Negros Occidental, …3605
Subukan mong magpahid ng SUNBLOCK lotion tuwing lumalabas sa araw, tapos sa gabi pahiran ng steroid cream gaya ng SYNALAR HP. Patingin ka rin sa Dermatologist.
Editor: Si Dr. Heal ay napapakinggan din  sa Radyo Inquirer 990AM gai-gabi mula alas 8 hanggang 9:30.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya?  I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending