NAGSIMULA nang magbigay ng Performance-Based Bonus ang Department of Education.
Inanunsyo ng DepEd ang simula ng pamimigay ng PBB para sa taong 2017 Regions IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA), V, VII, XI, XII, at the National Capital Region.
Ang Region III ang unang nagpabalas ng 2017 PBB sa mga school-based personnel noong Enero 21.
Inendorso na rin ng Department of Budget and Management Central Office ang pagproseso at pagpapalabas ng pondo para sa Regions I, II, VIII, IX, X, at Cordillera Administrative Region.
Kasalukuyan namang pinoproseso ng DBM CO ang para sa Regions VI at XIII (CARAGA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.