Jinggoy at JV bati na nga ba?

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

Jinggoy at JV bati na nga ba?

By Leifbilly Begas February 12,2019
share this

JV EJERCITO AT JINGGOY ESTRADA

TULUYAN na nga kayang nagkabati ang half brothers na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joseph Victor Ejercito?

Sa pagsisimula ng kampanya kahapon ng mga kandidato ng Hugpong Ng Pagbabago sa Pampanga ay nagkamayan ang magkapatid sa entablado.

Nang tawagin ng emcee si Ejercito upang magsalita ay sumunod si Estrada at itinaas ang kamay ng kanyang kapatid.

“Mukhang ilang taon kaming hindi nagkamayan, sa inyong harapan lang,” ani Ejercito na nagsabing nagulat siya sa ginawa ng dating senador.

Nauna rito, sinabi ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na tinawagan siya ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada upang hilingin na mamagitan sa magkapatid.

Sagot naman n Duterte: “Yes daddy! Yes papa! Naki-daddy na lang din ako sa kanya,” kuwento ng alkalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending