Pekeng panty liner nakumpiska ng NBI | Bandera

Pekeng panty liner nakumpiska ng NBI

- February 10, 2019 - 06:47 PM

KAHON-kahong pekeng panty liner na nagkakahaga ng mahigit P60,000 ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) sa raid sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Isaac Carpeso, team leader ng NBI-IPRD na nagsagawa ng operasyon, alas-2 ng hapon kamakalawa nang salakayin ang Misumi Direct Sales sa Unit 5, Okinari Building, Circumferential Road, Antipolo, sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court branch 46.

Ang naturang establisimento, na pag-aari ni Donnah Mae Miranda, ay nakuhanan ng mahigit limang kahon ng pekeng Shuya panty liner.

Ani Carpeso, isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo mula sa totoong gumagawa ng Shuya panty liner ukol sa pagkalat ng mga peke nilang produkto.

Matapos ang ilang test buy, agad  na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga nasabing pekeng produkto.

Wala naman ang may-ari na si MIranda nang isagawa ang raid.

Nahaharap si Miranda sa kasong paglabag sa trademark infringement o paglabag sa Republic Act 8293.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending