Seloso ako, gusto ko ako lang ang pogi sa asawa ko! – Robin
AMINADO si Robin Padilla na mas seloso siya kesa kay Mariel Rodriguez.
“Sa relasyon namin ni Mariel, ako ang problema niya eh. Wala akong masasabi sa asawa ko, kasi ako ang number one na seloso,” ani Binoe sa isang panayam.
“Gusto ko, ako lang ang pogi sa asawa ko. Halimbawa, nanonood ako ng TV, mayroon silang guest na ano, magte-text ako agad, ‘Mas pogi ba sa akin ‘yan?'” patuloy pa ng aktor.
Dagdag pa niya, “‘Wag lang tuksuhan, magagalit na ako, hindi na selos ‘yon,” biro pa ni Robin na ang tinutukoy ay ang It’s Showtime kung host si Mariel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.