Jinggoy walang planong bumalik sa showbiz | Bandera

Jinggoy walang planong bumalik sa showbiz

Reggee Bonoan - February 09, 2019 - 12:40 AM


SA Peb. 17 pa ang kaarawan ni former Sen. Jinggoy Estrada pero nagkaroon na siya ng advance celebration kasama ang entertainment press, online writer at bloggers na na-miss daw niya sa loob ng ilang taon.

Aniya, “Nagpapasalamat ako sa pagpapaunlak n’yo sa aking imbitasyon ngayon, isa ako sa pinakamasayang tao dahil nakahalubilo ko na naman ang mga tunay na tao at kaibigan sa movie press. At alam n’yo, lagi kong sinasabi, ang mga taga-industriya ng pelikula ay totoong tao.”

Natanong siya kung may plano siyang balikan ang kanyang showbiz career at kung ano ang mga susunod niyang plano.

“Sa ngayon, honestly wala! E, tumaba na ako. Pag medyo pumayat na tayo ng konti baka pag-isipan natin,” nakangiting sagot ni Jinggoy.

Wala rin daw siyang balak mag-produce uli ng pelikula, “Yes. Wala rin akong balak mag-produce.”

Nabanggit ng panganay na anak ni Jinggoy na si San Juan Vice Mayor at kumakandidatong Mayor na si Janella Ejercito Estrada na plano nitong mag-showbiz noon.

“Ewan ko, mataba rin ‘to, e (sabay tingin sa anak).”

Sagot naman ng dalaga, “Kaya nga po hindi natuloy.”

Balik tanong naman kay Jinggoy, hindi ba body shamming ang pagbibiro niya sa anak? “Itong si Janella gumagaya kasi sa akin. Nu’ng nag-vice mayor ako, nag-vice mayor din siya. At the age of 29, naging mayor ako, at the age of 29, sana maging mayor din siya (29 na ngayon si Janella). Nagpataba ako, nagpataba rin siya.”

Samantala, naikuwento ni Jinggoy na sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa ay naramdaman niyang mahal pa rin siya ng mga tao, “Unang-una sa pag-iikot ko sa ating bansa, natutuwa ako kasi marami sa ating kababayan ang nasisiyahan sa pagpunta ko sa kanilang bayan at probinsya.

“Kung tatanungin ako kung ano ang nararamdaman ko sa darating na eleksyon, ninenerbyos dahil napagkaisahan kami, sinira at dinungisan ‘yung aming pangalan kaya siguro kailangang magsipag sa darating na kampanya,” sabi ng actor-politician.

Sa panayam naman sa kanya sa programa nina Anthony Taberna at Jerry Baja sa DZMM kamakailan ay sinabi niyang magkaibigan pa rin sila ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

Anyway, kung sakaling maluklok ulit bilang senador si Jinggoy ay may plano na siya para sa mundo showbiz.

“Alam n’yo matagal nang malaki ang problema ng industriya, dahil sa…the advent of social media, ibang (form) of entertainment kaya hindi na masyadong kumikita ang ating mga pelikula.

“Isa sa aking mga plano para sa industriya natin, kailangang ma-subsidize ng ating gobyerno ‘yung magaganda nating pelikula na kailangang i-promote.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But we cannot compete globally kasi siyempre wala naman tayong magagarang kagamitan katulad ng sa Amerika at ibang bansa na high-tech masyado. Kailangang magkaroon ng subsidy ang ating gobyerno para sa mga kalidad nating mga pelikula,” saad nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending