Relate na relate ang mga ina sa 'Onanay' | Bandera

Relate na relate ang mga ina sa ‘Onanay’

|February 09,2019
facebook
share this

Relate na relate ang mga ina sa ‘Onanay’

- February 09, 2019 - 12:20 AM


RELATE na relate ang mga Kapuso viewers lalo na ang mga nanay sa tumatakbong kuwento ngayon ng seryeng Onanay.

Handa na kasi si Onay (Jo Berry) na isakripisyo ang sarili para lang mailigtas ang nawalay na anak na si Natalie (Kate Valdez).

Dahil dito, huli na nga ba ang lahat para lumambot ang puso ng dalaga sa kanyang ina na nasa peligro ang buhay? Makaligtas pa kaya si Onay matapos malagay sa peligro ang buhay dahil sa pagkakalibing sa kanya ng buhay?

Sa social media naman, talagang mainit na pinag-uusapan ng mga netizens ang mga huling tagpo sa Onanay, lalo na nang matagpuan na nina Maila (Mikee Quintos) at Natalie ang kanilang ina sa “libingan”.

Puring-puri nila ang akting nina Mikee at Kate, feel na feel daw nila ang sakit na nadarama ng magkapatid dahil sa paghihirap ng kanilang nanay.

Kaya ang hiling ng fans, sana raw ay magkaayos na ang samahan ng mag-iinang Onay, Natalie at Maila.

Tuliro naman ngayon si Helena (Cherie Gil) dahil siguradong babalik na naman siya sa kulungan kapag napatunayang siya ang nasa likod ng pagkidnap kay Onay at sa tangkang pagpatay dito.

Patuloy na tutukan ang marami pang pasabog sa pagpapatuloy ng kuwento ng Onanay pagkatapos ng Cain At Abel sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending