Horoscope, February 09, 2019 | Bandera

Horoscope, February 09, 2019

Madam Sophia |February 09,2019
facebook
share this

Horoscope, February 09, 2019

Madam Sophia - February 09, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa! Wag masyadong pagurin ang sarili. Sa pag-ibig pagpasok ng tag-araw, kusang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit-Om.” Silver at maroon ang buenas.   

Taurus – (April 20-May 20) – Mag-isip ng masarap na pagkain at iyon ang ipakain sa kasuyo ngayong darating na  Valentine’s day. Sa ganyang paraan, lalong sasarap ang pagmamahalan. Sa pinansyal, habang nalalapit ang araw ng mga puso, aangat pang lalo ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –  Sa pinansyal, basta’t mag-negosyo ka lang ng produktong may kaugnayan sa pagkain siguradong may malaking salaping kikitain. Kung ayaw mo naman ng pagkain, produktong may kaugnayan sa modernong teklohiya ay puwede ring simulan. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang pagdi-dinner date ninyo ng kasuyong masarap romomansa. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.”  Yellow at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa kasosyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig the best na  ka-partner ang isang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Magandang balita ang matatanggap. May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos region o kaya’y sa Palawan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas. Ngayon ka na magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mamasyal sa isang lugar na malapit sa nature upang lalong manariwa ang pagmamahalan.  Mapalad ang 5, 16, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.    

Libra – (September 23-October 23) – Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa. Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at red ang buenas

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin.  Mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa minamahal.  Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Ratha-Om.” Violet at  maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag susuko sa mga problema. Isang Aries ang tutulong sa iyo upang malusutan ang mga suliranin. Sa pag-ibig, may masarap na romansang dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Mahata-Om.”  Purple at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa panahong ito na malapit na ang tag-araw, hindi ka dapat maging agresibo. Dahan-dahan lang sa pag-gastos. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa, makukuha mo rin ang nais mo at higit pa sa gusto mo ang ipagkakaloob nya sa iyo. Mapalad ang 4, 8, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa taong ito ng 2019 ngiti ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, laging ngitian ang minamahal upang manatiling happy ang inyong relasyon. Sa pinansyal, patawarin mo na ang mga nangutang sa inyo na ayaw ng magbayad. Talagang ganon ang buhay may mga tao talagang balasubas at manunuba. Mapalad ang 5, 17, 23, 26,  31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Sa darating na tag-araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan, wag mo namang lustayin agad – matutong magtipid at mag-savings. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantiko at nakakikilig na relasyong hatid ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending