CLAUDINE galit na galit...inupakan na naman si RAYMART, gusto nang paghatian ang kanilang ari-arian | Bandera

CLAUDINE galit na galit…inupakan na naman si RAYMART, gusto nang paghatian ang kanilang ari-arian

Cristy Fermin |July 15,2013
facebook
share this

CLAUDINE galit na galit…inupakan na naman si RAYMART, gusto nang paghatian ang kanilang ari-arian

Cristy Fermin - July 15, 2013 - 03:00 AM

Sala sa init, sala sa laming. Ganu’n kung ilarawan ng mga taong malapit kay Raymart Santiago si Claudine Barretto. Hindi na umaasa ang kampo ng aktor na magkakabalikan pa sila ni Claudine, napakarami na kasing nagaganap na hindi maganda sa kanilang relasyon, Malabo na ang pagbabalikan nila ngayon.

Ang pinakahuling kuwento ay maghahatian na ng kanilang mga properties ang mag-asawa, mauuna na ang hatian kesa sa petition for annulment na nakatakdang ihain sa husgado ng aktres, marami nang sikat na personalidad ang gumawa ng ganu’n.

“Ang gustong mangyari ni Claudine, e, ang ayusin muna ang hatian nila ng properties, okey naman ‘yun sa mga abogado niya, kaya tinimbrehan na nila si Raymart na ganu’n ang mangyayari.

“Madali lang namang kausap si Raymart, kaya ang sagot niya, e, okey lang, maghihintay na lang siya ng pasabi mula sa kampo ni Claudine kung ano-anong documents ang kailangan niyang pirmahan.

“Sinabihan na si Claudine ng manager niya na huwag na muna siyang magsasalita habang hindi pa nakapipirma si Raymart, pero ano’ng ginawa niya? Inupakan niya si Raymart sa Facebook, galit na galit siya, kung ano-ano na namang paninira ang ibinabato niya sa mister niya!

“Nainsulto siguro siya dahil umoo agad sa hatian ng properties si Raymart, nainsulto siya, dahil ang akala siguro niya, e, papalag si Raymart, hindi papayag, dahil umaasa pa rin siyang maaayos ang lahat sa pagitan nila ni Claudine.

“E, hindi ganu’n ang nangyari, sumagot agad ng oo si Raymart, kaya sobrang insult ang na-feel ni Claudine! Sira na naman ang pangako niya sa manager at mga lawyers niya na mananahimik na siya.

“Ano ba kasi ang gusto niyang mangyari? Sala sa init, sala sa lamig ang babaeng ‘yun, mahirap siyang ispilengin! Pagod na sa kanya si Raymart, kaya magiging ilusyon na lang ang pagbabalikan nila!” inis na kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending