Sigaw ng bashers kay Arjo: Sa yo na si Maine, isaksak mo sa baga mo! | Bandera

Sigaw ng bashers kay Arjo: Sa yo na si Maine, isaksak mo sa baga mo!

Reggee Bonoan |February 08,2019
facebook
share this

Sigaw ng bashers kay Arjo: Sa yo na si Maine, isaksak mo sa baga mo!

Reggee Bonoan - February 08, 2019 - 12:10 AM

ARJO ATAYDE AT MAINE MENDOZA

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa mahigit 300 comments at 127 shares ang litratong pinost ni Arjo Atayde kasama si Maine Mendoza.

Base sa background ng kinatatayuan nina Maine at Arjo na may hawak na toy guns tila kuha ito sa Cinema 76 kung saan nagpa-block screening ang aktres nitong Sabado para sa pelikulang “Tol” na pinagbibidahan ni Arjo.

Halos iisa naman ang komento ng AlDub fans na patuloy na namba-bash kay Arjo, talagang inaasar at iniinis daw sila ng aktor. Pero may mga fans naman sina Maine at Alden Richards na nagpapayo sa kanilang mga kasamahan na tanggapin na nila kung sino ang gusto ni Maine.

Isa si Ash Manansala na galit na galit kay Arjo, “Sige na! Sayo na si Maine pero pede ba tigilan mo na kakapost ng pic nyo? Mag move-on muna kame potaaa. NAMBUBUWISIT PA EH. LANGYA!”

Sabi naman ni Jaycee Adriano, “OO NGA NAMAN BAKIT KAILANGAN PA MAG POST NG PIC NYO? HIRAP MAG MOVE ON ARJO AH! SAYO NA SI MAINE SAYO NA OH! SAKSAK KO SA BAGA MO! PERO WAG MAMBWISET. LINTEK NAMAN! NAKAKAGIGIL EH!!”

Ang AlDub fan na si Vince Macasio ang nag-pacify sa mga kasamahan niya, “Para sa kaalaman nyo lang hindi si Arjo Atayde ang gumagamit ng account nayan kya wag muna kyong manghusga sa real acct nga nyan dalang dalang mag post tapos dto sa fb na marameng tanga pa sya mag po post isip isip den tsk.”

Ito naman ang sabi ni Louie Nieto, “Kawawa naman kau, ang daming pwede problemahin sa mundo ang buhay pa ng ibang tao ang inaatupag nio.”

Isa pang tanggap ang kapalaran nina Alden at Maine ay si Roda Bombio, “Fan din naman ako ng AlDub pero dahil nakikita ko naman na sa TV lang talaga cla ganyan ka sweet. Kaya tanggap ko na hindi cla magiging gf bf in real life. Hellooo aminin nyo dahil kay Maine kaya sumikat c Alden.

“Pero ngaun guys meron isang lalaki na naglakas loob na ligawan c Maine in real life. Tanggapin n’yo nalang aldub fans. Sorry to say that pero totoo walang Alden at Maine in real life, sa palabas TV lang lahat yan.

Meron din namang hindi pa nawawalan ng pag-asa tulad ni Lalisa Manoban, “Hanggat suot ni Maine yung sing sing ng Aldub p rin Kami at hanggat hindi sinasabi ni Maine ang status nila ni Arjo Aldub p rin kmi.”

Baka lalong manggigil ang mga bashers kapag nabalitaan nilang posibleng magkita sina Arjo at Maine sa ibang bansa para mag-date. Yan na lang ang abangan natin kung matutuloy ba o hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending