McCoy, Jane tumodo sa halikan, sex scene sa ‘Project Feb 14’ ng iWant | Bandera

McCoy, Jane tumodo sa halikan, sex scene sa ‘Project Feb 14’ ng iWant

Bandera |February 08,2019
facebook
share this

McCoy, Jane tumodo sa halikan, sex scene sa ‘Project Feb 14’ ng iWant

Bandera - February 08, 2019 - 12:05 AM

McCOY DE LEON, JANE OINEZA AT JC SANTOS

MATINDI! Grabe pala talaga ang itinaya nina Jane Oineza at McCoy de Leon sa bagong digital series ng Dreamscape Entertainment, ang Project Feb 14.

Mapapanood na simula sa Feb. 9 sa iWant ng ABS-CBN ang sexy psycho-thriller series na ito sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Medyo madugo at bayolente ang Project Feb 14 kaya naman may disclaimer si Direk Jason at ang buong cast bago pa magsimula ang programa.

Napanood na namin ang ilang highlights ng Project Feb 14 sa ginanap na special screening nito kamakalawa at sigurado kami na masa-shock ang fans sa mga eksena rito nina McCoy at Jane. Episode 1 pa lang kasi ng nasabing six-part digital series ay panggulat na agad.

Imagine, may pa-bed scene at laplapan agad sina Jane at McCoy, idagdag pa ang mga nakakalokang dialogue nila na hindi mo maririnig sa mga teleseryeng napapanood natin sa free TV.

Sabi nga ng dalawang Kapamilya youngstars, ito na ang pinaka-daring at pinakamatapang na proyektong nagawa nila dahil nga sa dami ng sex scenes. Kontrobersyal at napapanahon din ang tema ng Project 14 dahil tatalakayin nito ang mainit na usapin about suicide, lalo na sa mga kabataan.

Gagampanan ni Jane ang karakter ni Annie na isang web prostitute habang si McCoy naman ay si Brix na regular customer ni Annie. Magkakasundo silang magkita nang personal para pag-usapan ang plano nilang pagpapakamatay sa mismong Araw ng mga Puso. Makakasama rin nila rito si JC Santos na gaganap namang documentarist sa telebisyon.

Sa presscon ng Project Feb 14, natanong sina Jane at McCoy kung nagkailangan sila habang ginagawa ang kanilang sex scenes. Unang sumagot si Jane, “First time namin magsama ni McCoy sa isang project, first time namin mag-pair.

“Nagtiwala lang ako kay McCoy at maswerte din ako dahil yung nakasama ko sa ganitong project na sobrang daring, maswerte ako na gentleman, mabait si McCoy, and inaalalayan niya rin ako sa mga ganung eksena,” aniya pa.

Inamin naman ni McCoy na hindi pala madaling gumawa ng bed scene, kung minsan daw ay nawawala siya sa focus, “Yun po yung mahirap nga din pag merong mga sexy na scene, kunyari yung panty niya, tumataas tapos binababa ko, nawawala ako sa character ko. Kasi si Brix, di naman siya ganu’n, bara-bara siya.

“Tapos yung kay Jane naman, bilang napapanood ko na siya, napakagaling na niya. Kaya sabi ko, baka siya magdala sa akin pero ang nangyari, walang naging rules, go with the flow lang, kung ano yung ibigay, kung ano yung babawasan, kung ano yung sobra, tulungan lang kami kaya naging maganda at magaan. Walang ilangan,” paliwanag pa ng binata.

Inatake rin ng nerbiyos si Jane sa ginawa niyang shower scene, “Kinabahan ako siyempre, maraming mga eksena na, ‘Hala, paano gagawin?’ Kasi pag binasa mo sa script, ganito yung description, inisip ko, paano ie-execute sa camera, kailangan ba talaga nakahubad, ganu’n.

“Pero inalagaan ako ni Direk Jason at saka gusto ko ring makapag-experiment, yung mga challenging roles,” chika pa ng award-winning youngstar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para kay McCoy wala na silang inhibitions ni Jane, “Simula nga po nang tinanggap namin, limitations namin, sobrang wala na. Purpose namin, magpa-aware sa mga tao and yung mismong istorya. Kumbaga nandito na ako, nakapag-commit ako, kailangan kong gawin ang trabaho ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending