Measles outbreak idineklara na rin sa Luzon, Central Luzon at Eastern Visayas
NADAGDAGAN pa ang mga lugar kung saan idineklara ang measles outbreak matapos namang isama ng Department of Health (DOH) ang Luzon, Central Luzon at Eastern Visayas sa mga lugar na apektado ng pagkalat ng tigdas.
“The DOH today is raising the red flag for measles in other regions of Luzon, Central and Eastern Visayas aside from yesterday’s declaration in the NCR,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.
Idinagdag ni Duque na base sa ulat ng DOH epidemiology bureau, patuloy na tumataas din ang mga kaso ng tigdas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region.
Nakapagtala ang DOH ng 525 kaso ng tigdas na may siyam na nasasawi sa Calabarzon (Region IV-A); 441 kaso, na may apat na nasawi sa NCR; 192 kaso na may apat na nasawi sa Central Luzon (Region III); 104 na kaso ng tigdas na may tatlong nasawi sa Western Visayas (Region VI); at 71 kaso na may isang nasawi sa Central Visayas (Region VII).
Samantala, umabot na sa 70 ng tigdas sa Mimaropa (Region IV-B); 64 kaso na may dalawang nasawi sa Ilocos Region (Region I); 60 kaso ng tigdas sa Northern Mindanao (Region X); 54 kaso na may isang nasawi sa Western Visayas (Region VIII); at 43 kaso ng tigdas sa Soccsksargen (Region XII.)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.