NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa National Capital Region (NCR) at Central Luzon matapos namang umabot na sa 55 ang mga naitalang nasawi dahil sa tigdas.
Base sa datos ng DOH, umabot na sa 55, na may edad na tatlong buwan hanggang apat-na-taong-gulang, ang nasawi sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Umabot na rin sa 550 porsiyento ang itinaas ng kaso ng tigdas sa NCR mula Enero 1 hanggang Pebrero 6, 2019, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.
Sinabi ni Duque na kabilang sa mga naitala ang 169 kaso sa NCR, na mas mataas ng 26 porsiyento kumpara sa kahalintulad na panahon noong isang taon.
Samantala, aabot na sa 248 bata ang ginagamot San Lazaro Hospital dahil sa tigtas.
Aabot naman sa 253 kaso ng tigdas ang naiulat sa Central Luzon.
Umabot naman sa 21,000 kaso ng tigtas ang naitala noong 2018 kumpara sa 2017 na may 4,000 kaso lamang.
Sinisisi naman ang Dengvaxia scare kayat maraming Pinoy ang takot na magpabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.