Si boylet may iba, si bakla na-insecure | Bandera

Si boylet may iba, si bakla na-insecure

Beth Viaje |February 06,2019
facebook
share this

Si boylet may iba, si bakla na-insecure

Beth Viaje - February 06, 2019 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Kamusta naman po kayo? May isasangguni po akong problema. May karelasyon po ako ngayon, four years na po kami. Medyo bata po sa akin ang BF ko. Eight years po ang tanda ko sa kanya at second year college pa lang siya.

Ako naman may sariling parlor at carinderia. Hindi ako tapos ng college pero nagsisikap naman para makataguyod ng pamilya.

Kaya lang recently may nabisto ako sa BF ko, meron siyang babae.

Tinanong ko siya, sabi niya kaibigan lang daw niya. Pero ano ba naman ang gagawin ng bakla kundi mainsecure? Iniisip ko baka naman pinagkakaperahan lang ako. Pero love ko talaga siya. Di ko alam mangyayari sa akin pag nawala siya.

–Henrriet

Dear Henry, este, Henrriet,

Sabi mo nga, ano ba naman ang magagawa ng isang tulad mo kundi mainsecure. Siyempre kahit sino namang nasa isang exclusive na relasyon, kesehodang straight man siya, o kasapi ng LGBT, ay mai-insecure kapag may kahati siya, di ba?

At siyempre rin, di naman aamin si boyfriend kung may babae nga siya. Meron bang nangaliwang umamin?

Kahit putulan mo ‘yan ng ano….ng daliri, hindi ‘yan aamin, ‘di ba?

So ikaw na nakadiskubre, ikaw na ang magpasya. Di mo kayang mabuhay kapag nawala siya, so okay lang mamatay araw-araw kahit alam mong niloloko ka na niya?

May pamilya ka, sila ang dahilan ng iyong parlor at carinderia, so baka pwedeng sila na lang muna ang pagtutunan mo ng pansin? Siyempre hindi naman lahat ng bagay makukuha natin, kung baga pa sa artista – career or love life?

So dun ka na lang muna sa kung saan magaling ka. Dedma na muna sa kung saan nasasaktan ka.

Mahirap tanggapin ang katotohanan, pero kahit di naman natin tanggapin, ‘yun pa rin ang totoo so might as well live with it, ‘di ba?

Gudlak na lang sa iyo, ‘teh. Sana makaisip kang piliin yung bagay na mas may pakinabang ka at ang pamilya mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ka bang isangguni kay Ateng Beth?
I-text sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending