MAGANDANG balita sa mga interesadong Pilipino na nagnanais na muling magtrabaho sa Libya.
Kamakailan ay naglabas ang Philippine Overseas Employment Administration governing board ng resolusyon na pinapayagan ang pagproseso at pag-de-deploy ng mga Pilipino na muling babalik sa kanilang trabaho sa Libya.
Sa GB Resolution No. 1, series of 2018, sinabi ng board na ang desisyon ay matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs, na may pagsang-ayon ng National Security Council, na ibaba ang Crisis Alert Level sa Libya mula sa Alert Level 3 (Voluntary Repatriation Phase) sa Level 2 (Restriction Phase).
Dati nang inapela ng Overseas Filipino Workers Organization-Benghazi (OFWO-B) sa pamahalaan na huwag isali ang mga professional tulad ng engineer, company worker, nurses at teachers mula sa travel ban.
Hindi kasama ang mga newly-hired worker at seafarer sa deployment ban.
Noong nakaraang Nobyembre ay nag-isyu ang POEA Board ng Board Resolution No. 8 na nagtatakda ng total deployment ban sa pag-proseso at pagde-deploy ng newly-hired worker, gayundin ang crew change and
shore leave ng mga Filipino seafarer sa Libya, subalit pinapayagan ang pagproseso at pagde-deploy ng mga babalik na manggagawa sa ilalim ng specified skill category ngunit ito ay sasailalim sa ilang kondisyon.
Nilagdaan ni Secretary Silvestre H. Bello III, chairman ng POEA governing guard, ang bagong resolusyon kasama sina POEA Administrator Bernard P. Olalia, at board member Estrella S. Hizon, Alexander E. Asuncion, at Felix M. Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.