Davao at Tacurong wagi sa Batang Pinoy arnis | Bandera

Davao at Tacurong wagi sa Batang Pinoy arnis

- February 04, 2019 - 08:41 PM

DAVAO del Norte – Inuwi nina Aethan Razy Fujita ng Davao City at Maria Veronica Ilagan ng Tacurong ang dalawang gintong medalyang nakataya sa pambansang laro na arnis sa ginaganap na 2019 PNYG-Batang Pinoy Mindanao qualifying leg sa iba’t-ibang lugar dito sa Tagum City.

Ipinamalas ng 10-anyos na si Fujita ang magandang porma sa kanyang paglahok upang masungkit ang kabuuang iskor na 9.50 puntos sa cadet boys non-traditional individual single weapon para mauwi ang una nitong gintong medalya sa arnis competition na may pahintulot ng Philippine Escrima Kali Arnis Federation sa loob ng City Mall.

Tinalo ni Fujita sina Eli Gabriel Panabay ng Tagum City at Emmanuel Josh Nacion ng Davao City na pumangalawa at pumangatlo sa itinalang 9.46 at 9.43 puntos.

Itinala naman ni Ilagan ang kabuuang 9.60 iskor para magwagi sa cadet girls traditional individual single weapon at iuwi ang una nitong ginto. Ikalawa si Rian Joy Artajo ng Butuan City sa nakamit na 9.43 puntos para sa pilak at ikatlo si Lian Rose Anquilita ng Iligan City na may 9.33 puntos.

Samantala, pinaghatian ng South Cotabato at Koronadal ang apat na gintong medalyang nakataya sa archery habang hindi napigilan ng pagbuhos ng ulan ang mainit na kompetisyon sa unang araw ng ginaganap dito na 2019 Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa iba’t-ibang lugar sa Tagum City.

Tampok dito ang tila naging selebrasyon ng kanyang ika-10 taon na si Grace Signacion na mula sa Suralla, South Cotabato sa pagwawagi nito sa kanyang kauna-unahang gintong medalya sa multi-sports na torneo na para sa mga kabataang may edad na 15 anyos pababa.

“Iniaalay ko po ito para kay mama, kasi siya ang may gusto na sumali ako sa archery,” sabi ng Grade 2 sa Suralla Elementary School na si Signacion patungkol sa kanyang ina na si Chuchi at kasama nito sa ginaganap na torneo ang ama na si Joel. Nagwagi lamang si Signacion ng tanso noong 2018 qualifying sa Ozamis at pilak sa Baguio Finals.

Umiskor ang nag-iisang anak na si Signacion ng 328 sa first distance at 319 sa second distance para sa kabuuan nito na 647 puntos upang iuwi ang unang gintong medalya at makapagkuwalipika sa susunod na gaganapin na National Championships na pinaglalabanan ng Tagbilaran City at Ormoc City.

Pumangalawa kay Signacion sa Yeoman Girls 72 arrows event sina Samantha Isabel Loreno ng Koronadal City sa iskor na 605 para sa pilak at si Khrizleyn Hope Ferrer ng South Cotabato na may 546.

Nagwagi naman sa Yeoman Boys 72 arrows si Romeo Jonathan Rioja ng Koronadal sa itinala nitong 244 at 307 sa 20 metrong distansiya upang matipon ang kabuuang 551 iskor. Ikalawa si Karl David Mejillano ng South Cotabato (497) at si Paul Yrwan Bader ng Koronadal (404).

“I feel so happy today,” sabi ng 7-anyos at Grade 2 sa Molave Tapusa Elementary School na si Rioja na nagsimula sa paglaro ng archery matapos magustuhan ang sport nang mapanood nito ang isang palabas sa telebisyon.

Inuwi namani ni Rhynjyll Yvis Endaya ng South Cotabatoi ang gintong medalya sa Bowman Girls 72 arrows sa pagtala ng iskor na 324-310 para sa kabuuang 634 puntos. Ikalawa si Althea Kelly Odiong ng Davao City (593) at ikatlo si Mackyla Marquez ng Davao City (585).

Wagi naman sa Bowman Boys si Justin Matthew Basadre ng Koronadal matapos magtala ng 304 at 320 iskor para sa kabuuang 624 puntos. Ikalawa si Quin Myer Loreno ng South Cotabato (614) at Mark Jubert Angelo Lapiad ng South Cotabato (611).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Asam pa ng 10-anyos na si Basadre, anak ng dating national archery coach na si Florentino Basadre Jr. at Grade 4 student sa KCS 1 Elementary School, na makatipon ng dagdag na ginto sa pitong event pa nitong lalahukan.

“I feel so good po,” sabi ni Basadre. “I started four years old in archery. I was impressed when I saw it on things they do, how they pull the arrow. My father is a coach, Florentiino Jun Basadre, I always come with him, I want to be a Olympic gold medalist or a lawyer someday.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending