Martin naloka nang mag-guest si Lani sa US concert: Grabe siya!
TAWA nang tawa ang mga miyembro ng entertainment press sa mga banat ng Concert King na si Martin Nievera sa ginanap na presscon ng Valentine concert nila ni Lani Misalucha, ang “Timeless Classics”.
“Naikwento kasi ni Martin ang hinding-hindi niya malilimutang eksena sa concert niya noon sa Amerika kung saan naging guest niya ang Asia’s Nightingle. Iyon daw yung time na hindi na siya nakakanta sa sarili niyang show.
““Guest ko siya (Lani), then nag-standing ovation. They closed the curtain, they thought the show was over,” simulang kwento ni Martin sa presscon ng “Timeless Classics.”
““Guest ko siya! Concert ko! Standing ovation. Don’t deny it (sabay tingin kay Lani). Nag-close ang curtain. Ano’ng ginawa ko sa likod ng curtain? ‘Sorry, guys, I’d see you at the meet-and-greet.’ Standing ovation, akala ng guy sa likod, tapos na ‘yung show. Ang galing talaga nito!” kwento pa ni Martin.
“Natanong kasi sina Lani at Martin kung sino sa tingin nila sa mga magagaling na singer ang mahirap sundan. At si Lani nga ang binanggit ng nag-iisang Concert King.
“Kaya ayaw na niyang sumunod after Lani. Mas gusto niya back-to-back o siya ang mauuna, “She is very hard to follow.”
“Sundot na tanong kay Martin kung ano ang na-feel niya sa nangyari, “Resentment. I couldn’t stand her.
No, joke! What did I feel? I felt bad for the audience because can you imagine? You know what was missing in my line-up?”
“”Martin Nievera hits, and Broadway, which was my big ending before. Wala sa show dahil dito (sabay turo uli kay Lani). She closed the show! That should be the ending nga! Martin Nievera hits sa Martin Nievera show! Ay naku,” hirit pa ng Kapamilya singer kaya tawanan na naman ang press.
“Wala naman daw idea si Lani na ganu’n ang nangyari dahil hindi pa sila close that time ni Martin. Aniya, mataas ang respeto at paghanga niya sa nag-iisang Concert King.
“Sa kanilang “Timeless Classics” Valentine concert sa Feb. 14 na gaganapin sa PICC Plenary Hall, siguradong masusulit ang ibabayad ng mga manonood dahil isang bonggang-bonggang show ang inihanda ng dalawang OPM icon at ng producer nilang si Anna Puno.
“Bukod sa kani-kanilang hits, kakantahin din nina Martin at Lani ang mga timeless OPM and foreign classics na naging bahagi na ng buhay at love story ng mga Filipino kaya ma-in love, ma-inspire at mag-throwback nang bonggang-bongga sa Araw ng mga Puso.
“Ang “Timeless Classics” ay mula sa musical direction ni Louie Ocampo produced by Starmedia Entertainment with Global Police Community Relations. Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa Rotary Club of Makati East, Rotary Club of Cubao Central at Rotary Club Parañaque East.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.