Ni Dominic Rea
CURRENTLY making waves sa showbiz industry ang all male group na Clique V at ang pinag-uusapang all female group na Belladonnas under the management of 316 Events & Talent Management owned by Len Carillo.
Pagkatapos ng kanilang launching almost two years ago ay hindi naging mailap ang bookings sa mga out of town shows para sa dalawang grupo.
Dahil nakitaan ng galing sa pagsasayaw at pagkanta ang Clique V at Belladonnas ay agad-agad silang binigyan ng sari-sariling album. Sinuportahan ng fans and followers nila hindi lang ang physical CD (released independently nationwide) kundi pati na rin digital version nito.
Kaya naman mula Music Museum kung saan naganap ang kanilang first major concert dadalhin naman kayo this Feb. 23 ng Clique V at Belladonnas sa mas malaking venue para sa kanilang back-to-back concert, ang “THIS IS ME”. Gaganapin ito sa SM North Skydome with special guest performers Hashtag members Charles Kieron at Zeus Collins, kasama sina Ana Ramsey at Kyline Alcantara.
Isang gabi ng mga bonggang performances from Clique V at Belladonnas ang matutunghayan ng manonood. Magpapatalbugan sila sa mga production numbers kasama ang kanilang specials guests.
Pasabog kung pasabog ang concert na ito dahil bukod sa mga pangkabog na productions numbers may gagawin pa ang isang Clique V member na siguradong ikaka-shock ng mga fans!
Ang “THIS IS ME CONCERT” ay mula sa produksyon ng 316 Events & Talent Management. Puwede nang bumili ng ticket sa SM Tickets!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending