Horoscope July 14, 2013 | Bandera

Horoscope July 14, 2013

Madam Sophia |July 14,2013
facebook
share this

Horoscope July 14, 2013

Madam Sophia - July 14, 2013 - 01:19 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo ngayon at unti-unti ng bumibilog ang buwan sa langit. Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 5, 16, 25, 37, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Malapit na naman ang Barangay Election. Wag kang pumalaot sa politika kung hindi ka rin naman kikita. Sa pag-ibig at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkakagalit lang kayo. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Lilac at purple ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20) — Kung talagang mahal mo ang  kasuyo magsasakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganoon din sa pag-unlad, ilaan ang maraming oras sa mga bagay na pagkakaperahan, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Blue at beige ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) — Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay ng suwerte. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ka ng malaking suwerte. Tandaang nagiging “keso”  lamang ang “gatas”, kung patuloy sa paglundag ang nakalublob na palaka. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi laging masagana ang buhay! Kaya simulan na ang Operation Malawakang Pagtitipid, upang makaipon para sa future. Sa pag-ibig, habang nagseselos ka sa kasuyo lalo naman siyang napapamahal sayo. Mapalad ang 2, 7, 25, 37, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas.
 Leo – (July 23 – August 22) — Wag magreklamo. Alalahanin mong dahil sa pagtatrabaho kumikita ka ng salapi. Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mauto mo siyang muli. Mapalad ang 1, 13, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi dapat magmayabang. Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo pang magdagdagan ang income. Sa pag-ibig, kunwari mas magaling sayo ang iyong kasuyo, kahit hindi naman upang mapalapit ng husyo ang loob niya sayo. Mapalad ang 5, 14, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Magnilay at tanungin ang sarili: Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na! Kumilos ka na ngayon! Kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Tumanaw ng utang na loob. Kung wala sila wala ka rin ngayon. Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting pera ang mga taong tumutulong sa iyo. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
 Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag magtataray, dahil sa bandang huli tatarayan ka rin ng kapalaran. Sa pananalapi, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 9, 12, 27, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Beige at orange ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansiyal, ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Dapat ka ng matuto sa nakaraan. Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiuan. Sa panahon ngayon, isip ang papaganahin, upang lumigaya at magtagumpay.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending