Piolo nakahanap na ng ka-date sa V-day; ayaw kumita ng pera mula sa mga politiko
WALANG planong mag-endorse ng kahit sinong politiko si Piolo Pascual para sa midterm elections ngayong darating na May.
Inamin ni Piolo na maraming politicians ang lumalapit sa kanya para magpa-endorso o mag-perform sa kampanya pero wala raw siyang tinanggap kahit isa sa mga ito.
“Wala, wala. Ayoko talagang mangampanya, eh. Ang daming pumapasok na campaign for mga shows pero wala kaming tinanggap ni isa. The politics, I don’t believe na may magagawa ako for that,” ang diretsong sabi ng Kapamilya actor nang makachika ng ilang members ng entertainment press sa 10th anniversary ng production company nilang Spring Films.
Dagdag pa ni PJ, hindi na rin daw siguro kakayanin ng schedule niya ang mangampanya o sumama sa mga campaign sorties dahil punumpuno na ang schedule niya hanggang September.
Kabilang sa mga naka-line up na projects ni Piolo this year ay ang mga pagbibidahan niyang pelikula na ipo-produce ng Spring Films, bukod pa sa mga gagawin niya sa Star Cinema.
Ilan sa mga pagbibidahan niyang pelikula ay ang “Post Angst,” “Puppy Love”, “The Bouncer” at ang “Nazareno”, idagdag pa ang sisimulan na nilang “Marawi” movie.
Ibinalita rin sa 10th anniversary celebration ng Spring Films na ginanap sa UP Cine Adarna, na io-offer nila ang pelikulang “History of Parking Lot” kay Kathryn Bernardo, iba pa ito sa plano nilang ibigay na proyekto kay Daniel Padilla. Isa rin sa dapat abangan ay ang reunion movie nina Alessandra de Rossi at Empoy, ang “Walang KaParis”.
Bukod kay Piolo, dumating din sa event ng Spring Films ang iba pang may-ari ng nasabing movie company, kabilang na si Binibining Joyce Bernal at Erickson Raymundo. Isinabay din sa anibersaryo ang premiere night ng kanilang pelikulang “Kuya Wes” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Ina Raymundo at Moy Bien na present din sa selebrasyon. Ito ang naging entry ng Spring Films sa 2018 Cinemalaya Film Festival. But for commercial purposes ay in-edit uli ang movie.
Ang “Kuya Wes” ang magiging pambuwena-manong release ng Spring Films for 2019. Mula sa direksyon ni James Robin Mayo, ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikula ngayong Marso.
Samantala, dahil malapit na ang Valentine’s Day, muling natanong ang aktor kung may ka-date na ba siya this year? “Oo nga, eh. Valentine’s na naman, ‘no?” Ilang taon na rin kasing loveless ang binata.
“Actually, nagpa-set-up na ako. Sabi ko sa handler ko, ‘Hindi ako pwedeng magtrabaho sa 14 kasi may date ako.’ Sabi ng handler ko, ‘Sinon’g ka-date mo?’ ‘Hindi ko pa alam.’
“So, niyaya ko ang mommy, we’re just gonna spend overnight sa Batangas,” natatawang sabi ni PJ. Baka raw sumunod din doon ang anak na si Iñigo kaya magiging family affair ang kanyang V-Day.
Nag-celebrate ng kanyang 42nd birthday si Piolo last Jan. 12 kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung ano ang wish niya at kung may gusto pa siyang patunayan sa dami ng kanyang achievements.
“Actually kasi sa edad kong ito I’m already, ano bang view mo ano bang goal mo? It’s safe to say that I already achieved my dreams, I’ve already reached my goals. I’m at a point that I’m trying to discover what else I can do in this business and personally.
“In the process of finding out how I can expand my celebrity status or more films. I’m staying away from all the soaps kasi I want to be able to diversify into other things,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.