Hindi lahat ng Aldub fans masama, kilala ko ang ilan sa kanila- Sylvia
WALANG Maine Mendoza na dumalo sa premiere night ng pelikulang “‘TOL” nitong Martes nang gabi sa Trinoma Cinema 6, na pinagbibidhan ni Arjo Atayde.
Pero may balitang magpapa-block screening ang dalaga para suportahan ang aktor sa bagong proyekto nito kasama sina Jessy Mendiola, Ketchup Eusebio at Joross Gamboa mula sa Reality Entertainment na idinirek ni Miko Livelo.
Para sa kaalaman ng AlDub Nation, may mga miyembro ng fan group nina Maine at Alden Richards na dumalo sa nasabing premiere night, suportado raw nila ang mga taong mahalaga kay Maine. Ibig sabihin, hindi sila kaisa sa mga bashers ng aktor at ng buong Atayde family.
Anyway, nag-post ang isang avid supporter nina Alden at Maine na si @shngrrng sa kanyang Instagram account ng litrato kung saan magkasama sina Arjo at Maine sa isang restaurant. Ito ang caption niya sa photo: “TO MAICHARD FANS: I used to be a silent fan since 2015. With everything that has been happening right now- I know some of you is really having a hard time whether to give up or stay.
“I was just watching Maichard videos last night and funny how fate happened to play with me. I saw M and the guy. Nothing too sweet and everything was casual. But you would sense that there is really something between them.
“I know it is really really hard for the fandom to accept but this is reality and sometimes life doesn’t work the way we want it to be (and it’s sucks I know).
“Sometimes there are things in life that we can’t control from happening. But in career, love, and personal choices are the things that ONLY THEM can control. I am not posting this to hurt anyone nor to give satisfaction to those fans of M and the guy.
“I am here to stand as an example to everyone that even in the midst of hurting, we could still find the courage to give RESPECT to someone’s life. Like what Alden always says, RESPECT. RESPECT. RESPECT.
“If he could do that, why couldn’t we? If u can see M & Alden are OKAY right now… let us all be glad that despite of the chaos they have been, they still kept their friendship and still have a courage to keep going and gives happiness everyday. (even if it’s not the same anymore).
“I believe what they had for each other for the past years was real and I know M&A knew about that. I know they will forever treasure those moments since Aldub began and I just want you to know that you are included there, too.
“Hope we can find the courage to always see the good in people even if it’s against your will. Whatever happens, promise to always choose love over hate. In the end of the day, all we want for them is to be happy even if it’s not about them anymore.
“To @mainedcm, stay happy. I know you deserve it. Same goes to Alden – you have a pure heart that always wish for peace and positivity to everyone. Keep the faith. Both of you deserve all the best in life.”
Hayan, mismong supporter na ng AlDub ang nagsabing igalang na lang kung sino talaga ang gusto ng kanilang idolo.
q q q
Sa ginanap na grand mediacon para sa pelikulang “Jesusa” nitong Martes hindi na napigilang maglabas ng kanyang emosyon si Sylvia Sanchez tungkol sa pinagdaraanan ng pamilya nila sanhi ng pagbabanta at pananakot ng ilang fans nina Alden at Maine.
Bago ginanap ang mediacon ay sinabihan namin si Ibyang na hangga’t maaari ay “no Maine issue” pero hindi na nga nakapagpigil ang aktres dahil matindi na ang tinatanggap nilang death threat.
Aniya, “Ngayon lang ako magsasalita. Sobrang mahal ko yung pamilya ko, sobrang mahal ko ang mga anak ko, ang asawa ko, ang buong Atayde family.
“Since September hanggang last Friday, wala akong inalmusal kung hindi bawat gising ko, puro mura, puro pambabatikos, puro panlalait sa mga anak ko, sa akin, sa asawa ko, sa buong pamilya. Tahimik ako, ayokong patulan. Kasi sabi ko, mawawala din yun.
“Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko. Huwag na sila. Ako na lang nakikiusap ako, ako na lang patayin niyo. Yun lang. Nakikiusap ako sa mga tumitira na AlDub Nation, ako na lang patayin niyo, ako na lang na nanay, ako na lang na ina, pero huwag na huwag ang mga anak ko. Kahit ngayon, barilin niyo ako tatanggapin ko, but not my kids, not my husband,” ang mangiyak-ngiyak na pahayag ni Sylvia.
May mga nakausap si Ibyang na AlDub supporters pero hindi na nagbigay ng detalye ang aktres dahil ayaw na niyang pahabain pa, pero iisa lang ang masasabi niya, “Hindi lahat ng AlDub supporters, masasama, marami silang kind-hearted at respetadong mga tao dahil nakilala ko na sila.”
Samantala, dream project ni Ibyang ang “Jesusa” dahil simula nang mag-artista siya ay hindi pa niya nagagawa ang role niya sa movie. Ito’y sa direksyon ni Ronald Carballo mula sa OEPM Productions na pag-aari ng magkapatid na Junell Rayos at Jean Hidalgo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.