MMF Supercross haharurot sa Taytay | Bandera

MMF Supercross haharurot sa Taytay

- February 01, 2019 - 07:24 PM

Muling sasabak sa putikan at matinding sikat ng araw ang mga sikat na mga motorcycle riders sa unang yugto ng MX Messiah Fairgrounds (MMF) Supercross 7 ngayong Sabado sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal.

Aabangan ang muling pagtutunggali nina Davao pride Bornok Mangosong, 87 racing rider Jeric Mitra at pambato ng Bicol na si Enzo Rellosa.

Minsan pang masasaksihan ang umaatikabong bakbakan ng mga batang motocross riders sa pagsungkit ng overall championship crown sa 5-leg series.

Hindi rin magpapahuli ang mga rising motocross stars na sina Ralph Ramento at Ompong Gabriel sa pagsungkit ng korona sa pro open category. Sasabak naman ang Taytay bet na si David Viterbo mula sa 85cc sa pro category.

Bibida rin si Pia Gabriel kontra sa pambato ng Nueva Ecija Quiana Reyes at Jasmin Jao sa ladies class (no age limit) at Shana Tamayo sa girls class (12 and below).

Kasama rin ang mga batang riders na sina Joshua Tamayo, Kindrich Flores at Christian Mercado na sasabak sa Yamaha PW50 (5 and below), 50cc (7 and below), 50cc (9 and below) at 65cc.

Ilan pa sa mga kategorya na masasaksihan ay ang amateur open production (17 and below), amateur open production (no age limit), veterans class (35 and above), executive (40 and above), open local enduro (125-150 4-stroke), pen Local enduro 2-stroke at power enduro.

“Nais namin ma-unite ang sport na motocross sa bansa at magbigay ng pagkakataon para sa mga riders na higit pang mahasa ang kanilang gilas at liksi. Inaanyayahan namin kayo na makapunta at masaksihan ang laban sa Linggo,” sabi ni Sam Tamayo, CEO ng MMF.

Ang registration ay nagkakahalaga ng P500 kada kategorya sa seven-leg series na nasa pangangasiwa ng Games and Amusements Board (GAB).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending