Miss Vietnam binatikos sa panggagaya sa gown, lava walk ni Catriona
UMANI naman ng batikos mula sa netizens si Miss Vietnam dahil sa panggagaya niya sa gown at lava walk ni Catriona Gray sa grand coronation night.
Marami rin ang nagsabi na ginastusan ng pamilya nito ang text voting para makuha ang People’s Choice Award.
Talagang mula sa make-up, long gown at signature walk ni Catriona ay kinopya ni Miss Vietnam kaya naman nakuha agad niya ang atensyon ng audience kasabay ng malakas na palakpakan.
Pero sa mga Pinoy netizens, hindi pasado ang ginawa ng kandidata kaya kaliwa’t kanan ang pamba-bash ngayon sa kanya sa social media.
May nagtanggol din naman sa dalaga na nagsabing hindi naman bawal na gayahin si Catriona at karapatan nito kung ano ang gusto niyang isuot at klase ng pagrampa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.