4 taon nang niloloko ng BF | Bandera

4 taon nang niloloko ng BF

Beth Viaje - January 25, 2019 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Magandang araw po sa iyo.
Asko ko lang po kung ano ang mabuting gawin ko. May dyowa po ako, four years na rin ang relasyon namin ng boyfriend ko.

Pero niloko po niya ako kasi nalaman ko na habang mag-dyowa kami ay meron pa siyang ibang dyowa at may nangyari sa kanila last year.

Pero hiwalay na sila ngayon. Ano po ba ang dapat kong gawin? Tulungan po sana ninyo ako.
Nineteen years old po ako from Sagkahan, Tacloban. Thank you po.

Owen

Hello Owen, magandang araw din sa iyo.

Nagtataka lang ako kung bakit ngayon ka lang nagre-react sa panloloko na ginawa sa iyo ng iyong dyowa, e, last year pa pala nangyari ang panloloko na ginawa sa iyo. Ikaw na rin ang nagsabi.

At ngayon ay tinatanong mo ako sa kung anong dapat mong gawin?

Kung ayaw mo na talaga sa kanya, e di makipaghiwalay ka na! Kung sa palagay mo ay niloloko ka pa rin, bakit kailangan mong magtiis sa isang relasyon na nababalutan ng pagdududa?

Naku Owen, alam mo naman kung anong dapat mong gawin kung bakit kailangan i-validate mo pa iyan sa akin.

Sabagay, minsan ganoon talaga kasi tayo, kailangan mo lang siguro ng tao na magsasabi sa iyo nang gusto at dapat mong gawin.

Since four years na rin naman kayo, either i-treasure mo ‘yan at patawarin siya, o masyado nang mahaba ang panahong ginugol mo with dyowa na manloloko, kaya walk out na!

In the end, nasa sa iyo pa rin ang desisyon, ang importante, matuto kang magpatawad at mag move on.
Bata ka pa naman e, keri mo ‘y’an!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa iyong partner o asawa, GF or BF; o kaya naman may problema sa pamilya o career, itanong na kay Ateng beth at for sure na may sey si ateng diyan. I-text sa 09989558253 o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@ gmail.com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending