Favoritism reklamo laban sa employer | Bandera

Favoritism reklamo laban sa employer

Liza Soriano |January 25,2019
facebook
share this

Favoritism reklamo laban sa employer

Liza Soriano - January 25, 2019 - 12:10 AM

GOOD morning po. Ako po ay isang service crew ng Angel’s hamburger station. May isasangguni lang po sana ako tungkol po sa aking trabaho. Twenty four hours po ang operation ng store, allowance ko po ay P80 kapag di nakaabot sa quota, at ang araw ko naman po ay depende sa benta ng store, seven percent po kita ko sa benta.

Reklamo ko ay pi-nabayaan na po ako ngayon ng amo ko simula po nang nag-away po kami ng kasamahan ko sa store nang dahil sa reklamo ng customer. Hanggang sa kami na ang nagbangayan ng kasama ko.

Ngayon po nagpatulong ako sa office tungkol po roon at ang sabi sa akin na tiisin ko lang daw po muna ang ginagawa ng kasamahan ko sa akin hanggang sa mag-reshuffle.

Pero sinabi ko na po sa amo ko na hindi ko na po kayang tiisin pa kasi kung ano-ano na po natanggap ko na masasamang salita galing sa kasamahan ko.

Subalit hindi po sila pumayag, gusto pa rin po nila na pagsamahin kami sa isang store sa ganung kalagayan namin.

At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkasakit naman po ako, kaya hindi ako nakapasok ng ilang araw.

At isang araw ng subukan ko po na pumasok ay nakita ko yung nakaaway ko po ang duty, kaya di na ako tumuloy. Nag-text po ko sa amo ko tungkol sa hindi ko pagpapsok, pero hindi nag-reply. One time nag-reply pero gusto pa rin kaming pagsamahin nang nakaaway ko.

Malala na po ang nangyaring away sa amin, parang mas kinakampihan pa po ang may nilabag kaysa po sa akin na walang nilabag na patakaran. Kahit kulang po sahod ko na natatanggap okay lang po sana. Ginagawa ko po ang trabaho ng isang crew leader. Ano po ang pwede kong gawin?

Sana po matulungan n’yo po ako. Wala rin po kami night differential na tinatawag, 12 hours or more ang duty po namin.

(REPLY) Kindly provide address of the employer so that we can refer to the nearest field office.
Thank you.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending