Bahay na trip ni KRIS aabot sa P100-M ang halaga; Magbabayad ng cash, ayaw mangutang sa bangko | Bandera

Bahay na trip ni KRIS aabot sa P100-M ang halaga; Magbabayad ng cash, ayaw mangutang sa bangko

Julie Bonifacio |July 14,2013
facebook
share this

Bahay na trip ni KRIS aabot sa P100-M ang halaga; Magbabayad ng cash, ayaw mangutang sa bangko

Julie Bonifacio - July 14, 2013 - 03:00 AM


TAHIMIK pero masaya ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagbo-bonding ng anak na si Bimby sa basketball player na ama nitong si James Yap. Sabi nga niya, walang ina na hindi naghangad ng kaligayahan para sa kanyang anak.

Sa totoo lang, mas malaki ang pakinabang ni James sa court cases na kinakaharap nila kesa si Kris. Mas naging responsableng ama si James kay Bimby at na-realize ang value nang pagbabayad ng tuition fee ng sariling anak.

Tama si Kris when she said na “everybody happy” pagkatapos ng huli nilang paghaharap sa korte. At pati ang abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan ay nag-sorry pa sa Queen of Talk.

Nalula naman kami nu’ng malaman namin na napakalaki pala ng lupa at halaga nang bibilhin sana na bahay ni Kris sa may Ayala, Alabang.

From a source, more or less P100 million pala ang halaga ng lilipatan sana ni Kris na bahay sa July 16. Mahigit 1,000 sq.m. din pala ang laki at baka nga corner lot pa ito sa laki ng halaga.

Gaya ng sabi ng host ng Kris TV, bago siya naghanap ng bahay na malilipatan, tiniyak muna niya na meron siyang sapat na perang pambayad.

Advise kasi kay Kris ng malalapit sa kanya na huwag umutang sa bangko para ipambayad sa bagong bahay na titirhan nila ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

Nakahanda na talaga ang malaking halaga na pambayad ni Kris para sa bahay at lupa. Hindi naman nakakapagtaka kasi bukod sa masinop at marunong sa pag-handle ng finances at investments si Kris, e, sandamakmak naman kasi ang endorsements niya plus guaranteed contract pa siya sa ABS-CBN.

Kita ninyo nga at pati sa interes sa bangko kung maglo-loan siya para sa bahay ay pinanghihinayangan niya, ‘di ba? Ang laki-laki rin kayang pera ang interes sa milyung-milyong piso, ‘no?

Sad to say, ayaw daw bayaran nu’ng may-ari ng bahay ‘yung real estate tax na umaabot sa mahigit-kumulang na tatlong milyon. Kahit nag-offer na si Kris na siya na ang magbabayad noong kalahati at sila na sa natitira, ‘di pa rin pumayag ang mag-ari ng bahay.

Ayon pa sa aming source, private individual daw ang may-ari ng bahay. Kahit ang source namin na admittedly sa sarili niya na isang social climber, ‘di knows ‘yung may-ari at paano nakilala ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang alam lang niya, byuda raw ‘yung may-ari na nakapagtayo ng bahay bawat isa para sa mga anak. Kahit buhay pa, ibinigay na niya ‘yung bahay sa mga anak na never pang natirhan. Tapos isa sa mga anak niya ang nagbenta ng bahay kay Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending