Ariel, Gelli nagbukingan sa presscon ng 'Ang Sikreto ng Piso', hindi raw nag-aaway pero... | Bandera

Ariel, Gelli nagbukingan sa presscon ng ‘Ang Sikreto ng Piso’, hindi raw nag-aaway pero…

Ervin Santiago - January 24, 2019 - 12:30 AM

AYAW na ayaw pala ni Ariel Rivera na pinanonood ng kanyang mga anak ang mga ginawa niyang teleserye at pelikula.

Ito ang inamin ng singer-actor sa presscon ng reunion project nila ng asawang si Gelli de Belen, ang comedy film na “Ang Sikreto Ng Piso.”

Napansin ng ilang members ng entertainment press sa mediacon na si Ariel lang ang parang hindi interesadong panoorin ang trailer ng “Ang Sikreto Ng Piso” – may pinaghuhugutan pala siya hinggil dito.

Tinanong kasi sina Ariel at Gelli kung ano ang reaksyon ng dalawa nilang anak na lalaki na after 22 years ay mapapanood uli silang mag-asawa sa isang pelikula.

“They have no interest in what we do, which is actually a bonus,” pag-amin ni Ariel. Dugtong pa niya, “Wala silang hilig sa mga kanta ko.”

Agad naman itong kinontra ni Gelli, “Meron! Ayaw lang niya (Ariel) kasi na patugtugin yung mga kanta niya habang nandiyan siya.

“Ayaw niya na pinapanood ang show niya kapag nandiyan siya, pero gusto nilang pakinggan yung kanta mo, ayaw mo lang,” sey pa ng isa sa mga bida ng Kapuso afternoon series na Ika-5 Utos.

Kilalang drama actor si Ariel kaya bago sa kanya ang mag-comedy. Paano ba siya napapayag na gawin ang pelikulang “Ang Sikreto Ng Piso” at kasama pa ang misis niya na kilala ring magaling sa comedy.

“It’s really interesting. Ako, gusto ko talaga. Sa ABS, sabi ko, ‘Give me naman a comedic role.’ Hindi nila ibinibigay sa akin, tapos the story interested me, yung gusto ko sa piso. Very choosy ako,” chika ni Ariel.

Huling nagsama sa pelikula sina Gelli at Ariel noong 1997 sa Star Cinema movie na “Ikaw Pala Ang Mahal Ko” at muli ngang mapapanood ang mag-asawa sa inspiring at nakakatawang kuwento ng “Ang Sikreto Ng Piso” na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa Jan. 30 nationwide.

Makakasama rin dito sina Long Mejia, Bea Binene, Angelica Ulip, Nico Nicolas, Lou Veloso, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes at Joyce Perlas Pilarsky, na siya ring producer ng pelikula. Ito’y sa direksyon ni Perry Escaño mula sa MPJ Entertainment at JJP Dreamworld Productions.

q q q

Speaking of “Ang Sikreto Ng Piso”, ibinalita ni Direk Perry na natagalan ang pagpapalabas ng pelikula dahil may nagnakaw ng original script nito.

Aniya, na-delay ang shooting nila matapos nakawin ang kanyang script ng isang kilalang personalidad. Kaya ang ending, muli niya itong isinulat at ni-revise ang ilang bahagi ng pelikula.

“Masakit man po isipin para sa akin bilang isang filmmaker, yung original script po ay nanakaw. Yung script na umiikot ngayon sa mga school, gawa ko po yun. Ang masakit pa sa akin, yung script na ginawa ko is taga-industry rin mismo na pinagkatiwalaan ko na producer. Ayoko na lang i-reveal,” paliwanag ng direktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At para maiwasan na ang ganitong problema, ipina-register na ni Direk Perry sa National Museum ang “Sikreto Ng Piso” para nasa kanya na ang copyright.

Hindi man binanggit kung sino ang nagnakaw ng original script ni Direk Perry, may idea na ang mga miyembro ng entertainment press na dumalo sa mediacon kung sino ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending