Maymay, Edward swerte pa rin sa 2019; nagbigay ng tips para sa PBB Otso housemates

By Ervin Santiago January 23,2019
share this

Maymay, Edward swerte pa rin sa 2019; nagbigay ng tips para sa PBB Otso housemates

By Ervin Santiago January 23,2019
share this

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

NAGBIGAY ng ilang tips sina Maymay Entrata at Edward Barber sa mga Pinoy Big Brother Otso housemates na napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN.

Bilang PBB Lucky Season 7 big winner, sinabi ni Maymay na ang pagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya ang isa sa dapat tandaan ng mga bagong housemate ni Big Brother.

Bukod dito, dapat ding tandaan ng mga housemates na maging mapagkumbaba at huwag kalimutan ang lahat ng aral na natutunan sa lahat ng challenges na pinagdaanan sa loob ng PBB house.

“Kahit anong mangyari, kahit nasa kompetisyon kayo, mangingibabaw pa rin ‘yung pamilyang nabuo niyo sa Bahay ni Kuya,” pahayag ni Maymay.

Sabi naman ni Edward na nakasama rin ni Maymay sa PBB Lucky Season 7 edition, “Feeling ko naninibago pa sila pero kailangan nila maalala na they really have to start working hard now. Ito ‘yung chance nila para ‘yung mga pangarap nila, abot kamay na.”

Samantala, patuloy pa ring bine-bless ang career ng MayWard, sa katunayan, marami nang naka-line up ng proyekto ang ABS-CBN ngayong 2019.

Bukod sa kanilang launching TV series, may gagawin rin silang album under Star Music. Ito na ang ikalawang album ni Maymay habang first time na maglalabas ng sariling album si Edward.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Edward ng kanyang litrato habang nasa loob ng recording studio.

May caption itong, “When I went into PBB, there was one thing I told said I would do anything to avoid was sing. I begged Kuya not to make me sing ‘Baliw’ but… he made it into a task. And we’ll, the rest is history. Great things have started since then. And I have never been more grateful.

“Fast forward a year and I found out that I would be having an album…and all I can say was that I wanted to repeat everything I said when got into PBB. But God has a funny way of making miracles happen so just tonight I finished recording the last song with @roxsantos. Hahaha! I know my face might be so happy, but trust me. I am.
“A big thanks @roxsantos @roxy.liquigan @jonathanmanalo @starmusicph for really guiding me through it all. Can’t wait to share it all with you.
“P.s. I heard one of @maymay songs and … let’s just say keep an eye out for her new album too. #NextLevel.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending