OOTD ni Jinkee sa Pacman-Broner fight nagkakahalaga raw ng P330K
HINDI lang si Manny Pacquiao ang gumawa ng ingay sa katatapos lang na laban nito kontra Adrien Broner sa Las Vegas, kundi pati ang asawa niyang si Jinkee.
Talagang pinag-usapan nang bonggang-bongga sa social media ang suot na damit ni Jinkee nang manood sa laban ng kanyang mister sa MGM Grand, Las Vegas, USA.
Ito ‘yung ivory Valentino dress na ayon sa report ay nagkakahalaga raw ng US$5,170 o kulang-kulang P300,000. Makikita ito sa kanyang Instagram account na may caption na, “Her sparkling eyes and her radiant smile of victory! #Godisgood #grateful.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.