Heart kasama sa live-action version ng Mulan?

January 23,2019
share this

Heart kasama sa live-action version ng Mulan?

January 23,2019
share this


SA wakas nagsalita na rin ang Kapuso actress na si Heart Evangelista tungkol sa balitang makakasama siya sa sequel ng Hollywood movie na “Crazy Rich Asians.”

Ang tinutukoy sa mga balita ay ang pelikulang “China Rich Girlfriend”. Kumalat ang kuwento dahil sa pagpunta bni Heart sa China kung saan kinukunan ang nasabing movie.

Sa kanyang Twitter account idinaan ni Heart ang paglilinaw tungkol dito. Aniya, ibang proyekto ang ginagawa niya sa China, “For those of you asking I am not in China to film for crazy rich. I am here for something else — can’t wait to share.”

Ang “China Rich Girlfriend,” ay base rin sa best-selling novel ng sikat na writer na si Kevin Kwan. Ito ang pagpapatuloy ng kuwento ng ordinaryong babaeng si Rachel Chu na may dyowang bilyonaryo, si Nick Young.

Isang follower naman ni Heart ang nagtanong kung ang tinutukoy niyang project ay ang upcoming live-action remake ng 1998 Disney classic “Mulan” na pagbibidahan ng Chinese-American star na si Liu Yifie.

Ayon sa ulat, ang live-action movie na “Mulan” mula sa Disney ay mapapanood na sa 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending