Dingdong kontra sa pagpapakulong sa mga menor de edad | Bandera

Dingdong kontra sa pagpapakulong sa mga menor de edad

Alex Brosas - January 22, 2019 - 12:25 AM

DINGDONG DANTES

KINAMPIHAN ni Dingdong Dantes si Chel Diokno sa pag-disagree nito sa panukalang batas na magbababa sa age ng criminal liability ng mga bata. From age 15 kasi ay gusto itong ibaba sa 9.

“Agree ako sa iyo, @ChelDiokno! Crucial stage ang childhood and adolescence to one’s development. These are periods where psychological, emotional, social and physical aspects are strongly influenced by the surroundings and are formed.

“Instead of focusing on criminalizing children, the government should invest more on creating an enabling environment that will allow young people to be productive members of the society.”

‘Yan ang magkasunod na tweet ni Dingdong.

Actually, agree kami kay Dingdong. Ang tingin namin ay anti-poor ang panukala. ‘Yung criminal attitude ng mga batang lansangan na nagnanakaw sa kalye ay no match sa mga politikong magnanakaw.

Bakit, ang mga bata ba sa kalye ay kayang magnakaw ng milyong piso? Bakit, ang mga bata ba sa kalye na nagnanakaw ay ibinoboto ba natin? Hindi naman, ‘di ba?

Ang mga politikong corrupt at magnanakaw ay nag-aral sa prestigious schools pero lumaki pa rin silang magnanakaw. Hindi ba’t mas kasuklam-suklam sila? Nakatira sa famous villages, riding in Mercedes Benz tapos ang ending magnanakaw?

Between a batang kalye na magnanakaw at politikong magnanakaw ay kakampihan ko na ang una kasi may matinding reason sila para magnakaw at ito ay para mabuhay. Ang politikong mayaman na nagnanakaw pa ay hindi napalaki nang maganda ng kanyang ina. ‘Yun lang ‘yon?

Ang dapat na ipanukalang batas ay ipakulong ang mga magulang na magnanakaw na politiko for breeding criminals. O kaya ipakulong ang mga anak ng magnanakaw na politiko dahil for sure ay nakinabang sila sa nakaw na yaman ng kanilang ama o inang public official.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending