Kapayapaan sa Mindanao, kailangan na!

By Jake Maderazo January 21,2019
share this

Kapayapaan sa Mindanao, kailangan na!

By Jake Maderazo January 21,2019
share this

NGAYONG araw, Enero 21 at sa February 6, magpapasya ang mga taga-Mindanao kung aaprubahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL). Kung magwawagi ang yes vote, itatayo ang mas makapangyarihang Bangsamoro Autonoumous Region of Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng kasalukuyang ARMM.
Siyempre, maraming kontra, unang-una riyan ang mga ISIS-influenced armed groups na ang gusto ay gawing “wilaya” o lala-wigan ng ISIS ang Mindanao. Sila ang itinuturo sa likod ng pagsabog sa South seas mall sa Cotabato City kamakailan kung saan dalawa ang namatay.
Kontra rin ang ilang pulitiko lalo na si Sulu gov. Abdusakur Tan na kumwestyon sa Korte Suprema sa isyu ng legalidad ng BOL. Si Lanao del Sur Rep. Andullah “Bobby” Dimaporo ay kontra rin kung bakit isinama sa plebisito ang pito niyang bayan sa Lanao del Sur. Kontra rin si Cotabato City Mayor Cynthia Guyani-Sayado dahil isinama ang lungsod niya sa plebisito. Meron ding 3,000 MNLF members ang nag-rally sa kanyang lungsod para ibasura ang BOL at suportahan ang “fede-ralism.”
Si Pangulong Duterte ay nagpahayag na kakausapin niya si MNLF Chairman Nur Misuari upang pag-usapan ang kapayapaan sa Mindanao matapos ang plebisito. Si Misuari ay importante, a-yon sa pangulo, para sa pangkalahatang solusyon sa Mindanao.
Kung tutuusin, ito ang pinakatamang panahon para harapin ang isyu ng Bangsamoro. Umiiral ang martial law ngayon sa Mindanao kayat mapayapa ang mga pag-uusap ng mga stakes players. Sa halip na nagbabarilan, sila ay nag-uusap.
Totoong malalim ang pagkaka-iba-iba at paniniwala ng mga Moro, ma-ging sila ay lahing Tausug, Iranun, Maguindanaon o kaya’y Maranaw o kaya’y para sa BOL o sa pedera-lismo o kaya’y extremist o pabor sa ISIS.
Subalit, ang idaraos na plebisito ngayon at sa Pebrero 6 at magiging resulta nito ay napakagandang simula ng demoktratikong proseso para makamit ang totohanang kapayapaan sa Mindanao.
Sa totoo lang, kapag naging mapayapa at umunlad ang Mindanao, lahat tayong mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay makikinabang. Kaya nga’t panahon nang itigil ang napakatagal na gera diyan sa Mindanao.

***
Siyasatin kaya ng Senado ang kawalan ng anumang “public bidding” ng mga e-passports sa ilalim ng Aquino Administration.
Tampok dito ang APO (Asian Productivity Organization) Producton Unit Incorporated (APIU) na “creation” ng Aquino administration bilang “go-vernment controlled corporation” sa ilalim ng RA 10149 na nilagdaan ni Pnoy noong June 6, 2011.

Una, bakit ang APO Production unit incorporated (APIU) ay nakipag-joint venture sa United Expresssions and Graphic Corporation (UEGC) noong November 14, 2014 at hindi nagdaos ng “public bidding”?
Ikalawa, bakit pumasok si dating DFA sec. Albert del Rosario sa “memorandum of agreement” (MOA) sa APO-UGEC nang walang “public bidding” noong October 2015?
Ikatlo, bakit nauna ng apat na buwan ang MOA ng DFA at APO bago ang “live e-passport demonstration” ni Pnoy noong July 2015 sa production facility sa Malvar, Batangas?
Ikaapat, sino ba talaga ang nag-iimprenta ng e-passports? Ang government controlled printer na APO ba o ang private partner nitong UGEC? Bakit ang sinasabi ng COA noong 2016 ay UGEC ang nag-iimprenta?
Kami’y nagtatanong lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending