Enchong: Mas masarap yung feeling dedma kesa magpakanega | Bandera

Enchong: Mas masarap yung feeling dedma kesa magpakanega

Ambet Nabus - January 21, 2019 - 12:10 AM


DEDMA lang si Enchong Dee sa mga patutsada ng ilang netizens na baka raw may chance pang maging big hit ang pelikulang “Elise” kung hindi siya ang leading man dito ni Janine Gutierrez.

Sey ng aming kababayan sa ilang bashers na tumatawag kay Enchong ng epal at sawsawero, kara-patan ng aktor ang magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa mga political issue at kahit na ang kontrobersiya sa pagitan nina Kris Aquino at Nicko Falcis.

Kaya raw hindi tama na idamay ang pelikula nila ni Janine sa personal nilang galit kay Enchong. At tama rin ang desisyon ng aktor na huwag nang patulan ang nangnenega sa bago niyang proyekto.

Makes sense. Very true. Dahil kung papatulan pa ni Enchong ang mga haters na nangnenega sa kanya bilang partner ni Janine sa bagong romcom offering ng Regal Films ay baka mas lalo lang maapektuhan ang kanilang pelikula.

“Elise” was born out of hardwork at magandang samahan nina Enchong at Janine na minsan na rin niyang nakasama sa isang indie movie.

Opening salvo ito ng Regal para sa 2019 at imbes nga namang ma-ging nega ay sesegundahan namin ang opinyon ni Enchong na panindigan na lang ang ating mga “like” sa buhay at kung walang magandang sasabihin ay huwag na lang sumawsaw.

“Elise is a nice and feel-good movie. Mas masarap naman si-gurong maramdaman ang ganu’ng feeling kesa maging nega,” ang like na like naming sinabi ni Enchong.

q q q

Very like rin namin ang gesture ng leading lady niyang si Janine Gutierrez hinggil sa pagkilala niya sa malaking pamilya ng inang si Lotlot de Leon.

Gulat man daw siya sa laki ng pamilya ng biological family nito, aliw na aliw daw siyang maging parte nito lalo pa’t very liberal at open-minded ang mga ito sa sitwasyon nila dito sa Pilipinas.

“Nakakataba lang ng puso dahil genuinely ay naramdaman talaga namin na we belong at iisang pamilya lang kami,” sey ng magandang anak nina Lotlot at Ramon Christopher.

At dahil hot celebrity nga siya sa Pilipinas, siya pa nga raw ang nahihiya sa ibinibigay sa kanyang special treatment.

Kaya naman proud din siyang ipagmalaki na dito sa “Elise” ay muli niyang mapapasaya ang kanyang buong pamilya at dahil nabanggit niyang malaki ito, “Sa kanila pa lang, winner na kami sa sinehan.”

Showing na ang “Elise” sa Feb. 6 directed by Joel Ferrer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending