Bakbakang Pacman-Broner delikado sa kundisyon ni Mommy Dionisia | Bandera

Bakbakang Pacman-Broner delikado sa kundisyon ni Mommy Dionisia

Cristy Fermin - January 21, 2019 - 12:05 AM

DIONISIA AT MANNY PACQUIAO

HINDI nakasama sa Las Vegas ni Senador Manny Pacquiao si Mommy Dio-nisia sa kanilang laban ni Adrien Broner kahapon. Sa bawat laban ng kanyang kampeong anak ay palaging nandu’n si Mommy Dionisia, agaw-eksena pa nga siya, pero sa pagkakataong ito ay siya na ang umurong sa pagsama.

Aminado si Mommy Dionisia na matanda na siya, marami na siyang nararamdaman sa katawan, pero ang madalas niyang idaing ay ang paninikip ng kanyang dibdib.

Tamang desisyon ang ginawa ng ina ng Pambansang Kamao na huwag nang sumama sa Las Vegas. Kilala sa pagiging emosyonal si Mommy Dionisia kapag may laban si Pacman.

Hindi makagaganda sa kanya ang personal na panoorin ang laban ng kanyang anak, malaki man ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Pacman ay hindi pa rin ‘yun magiging paborable sa kanya, kaya naiwan na lang siya sa GenSan.

Kapag tumatanda na ang tao ay marami na siyang iniiwasan. Ang madalas na paninikip ng kanyang dibdib ay lalong aangat kapag nakita na niyang nakikipagpalitan ng suntok ang kanyang anak.

Nanay si Mommy Dio-nisia. Ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak ay triple ang tama sa kanya, kaya maganda na ang kanyang desisyong huwag manood, tutal naman ay puwede siyang sumilip-silip na lang sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending