#Anyare: Sikat na female celeb malas sa lovelife, laging iniiwan ng mga lalaki | Bandera

#Anyare: Sikat na female celeb malas sa lovelife, laging iniiwan ng mga lalaki

Cristy Fermin - January 21, 2019 - 12:15 AM

HANGGANG sa pelikula at telebisyon lang pala ang ginagawang pakikipag-close ng isang kilalang male persona-lity sa kanyang dating karelasyon.

Ang masakit lang ay naniwala ang babae na magiging sila na uli, na hindi naman pala, hanggang sa harapan lang naman pala ng mga camera ang lahat.

Ngayon ay punumpuno ng sentimyento ang female personality, nagsusumbong siya sa kanyang mga kaibigan, todo rin ang panawagan niya sa social media tungkol sa kanyang emosyon.

Chika ng aming source, “Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Ang tagal-tagal na nilang hiwalay ng ex niyang male personality, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin siya makapag-move-on!

“Paano naman siya babalikan ng ex niya, ‘yung sinasabi niyang nanakit sa kanyang puso, e, alam na alam naman nu’ng guy na hanggang ngayon, e, ang ex pa rin niya ang mahal niya!

“Ano ba naman ‘yan? Ang dami-dami niyang posts, kung anu-ano ang sinasabi niya, hindi na lang siya mag-move-on!” simulang komento ng aming source.

Dalawang ex niya ang pinag-uusapan ngayon sa kuwento. Isang ex nu’ng mga bagets pa lang sila at isang ex na ipinagpalit siya sa ibang girl habang sila pa ang magkarelasyon.

“Wala talaga siyang su-werte sa pakikipagrelasyon. Nu’ng naging sila nu’ng isang hunk actor, nagtagal sila, kasal na nga lang ang kulang sa relasyon nila, e!

“Pero anyare? Sa hiwalayan din ‘yun nauwi, ang guy ang nakipag-break sa kanya, gentleman lang talaga ‘yung lalaki kaya hindi na nagkuwento kung bakit sila nagkahiwalay. Pero may reason ‘yun, malalim, malapit na silang ikasal, pero bumitiw pa rin ‘yung lalaki bago nangyari ‘yun?

“Du’n naman sa nakarelasyon niyang male personality, nagkakasundo naman sila nu’ng una, pero bakit siya ipinagpalit sa iba? Ano ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ‘yun?

“Nilalaro niya kasi ang pakikipagrelasyon. Okey siya ngayon, pero ilang panahon lang, e, may mga sinasabi na siya. At sa publiko pa niya ‘yun ipinararating, naka-broadcast sa buong mundo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sayang na girl, she’s in-love with love. Hindi sa nakakarelasyon niya. Ang ending tuloy, e, siya ang kawawa. Sayang, mala-anghel pa naman ang dating niya,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa bang i-Google kung sino ang female personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending