Balikang Jodi-Jolo fake news: Isang taon na akong single | Bandera

Balikang Jodi-Jolo fake news: Isang taon na akong single

|January 20,2019
facebook
share this

Balikang Jodi-Jolo fake news: Isang taon na akong single

- January 20, 2019 - 12:25 AM


AGAD na binasag ni Jodi Sta. Maria ang chika na nagkabalikan uli sila ng kanyang ex-boyfriend na si Jolo Revilla.

May kumalat kasing chika na niligawan uli ni Jolo si Jodi at muli niya itong tinanggap pero mabilis na pinabulaanan ng aktres ang balita. Meaning isa itong fake news.

“I have been single since last year,” ang diretsong sagot ni Jodi sa tanong ng mga netizens.

Sa kanyang Twitter account, maraming nag-comment na sana’y matagpuan na niya si Mr. Right at magkaroon na rin ng sariling pamilya tulad ng tatay ng anak niyang si Thirdy na si Pampi Lacson na masaya na ngayon sa piling ni Iwa Moto.

Comment nga ng isa niyang fan, “It’s a good feeling to hear from you na you’re single now. God has prepared your lifetime partner and He will give it to you in His perfect time.”

Kung matatandaan, ilang beses nang naghiwalay at nagbalikan sina Jolo at Jodi hanggang sa tuluyan na silang nagkanya-kanya ng landas isang taon na ang nakararaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending