‘Glorious’ nina Angel at Tony may part 2 na Bandera

‘Glorious’ nina Angel at Tony may part 2 na

Reggee Bonoan |January 18,2019
share this

‘Glorious’ nina Angel at Tony may part 2 na

Reggee Bonoan January 18, 2019 - 12:20 AM

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

“NAKU, lagot ka kay Tony Labrusca!” Ito ang birong narinig namin sa mga nakapanood ng kissing scene nina Lito Lapid at Angel Aquino sa FPJ’s Ang Probinsyano na umere nitong Miyerkules nang gabi.

Natawa kami dahil natural na may ganu’ng eksena sina Pinuno (Lito) at General (Angel) dahil ikinasal na sila at magpupulot-gata na, alangan namang magtitigan lang sila, di ba?

Hindi pa rin talaga nalilimutan ng lahat ang digital movie na “Glorious” nina Angel at Tony na idinirek ni Connie Macatuno for IWant.ph produced by Dreamscape Entertainment.

No offense meant kay Lito Lapid, na kumakandidato ngang senador, parang hindi na bagay sa kanya ang makipag-kissing scene. O, hindi na kami sanay na mapanood siyang nakikipaghalikan sa TV dahil nga ang tagal na niyang hindi ito ginagawa.

Pasok pa rin naman si Angel kahit may edad na ang ka-kissing scene niya sa Probinsyano pero sigurado kaming nailang din siya dahil nahalata namin sa mga eksena nila na dinaya ang ilang shots.

Speaking of “Glorious”, inamin ng Dreamscape head na si Deo Endrinal na magkakaroon ito ng sequel.

“Hindi ko alam kung anong kuwento, pero alam ko sequel, basta may part two. Hindi ko pa nakakausap si direk Connie, pero alam ko meron,” sabi sa amin ni DTE (tawag kay Deo) nang makatsikahan namin kamakailan.

Tinanong namin kung posibleng magbalikan sina Angel at Tony sa kuwento dahil nga may anak na sila sa ending ng pelikula, “Parang hindi yata, not sure, aalamin ko pa kay direk.”

Kaya sa supporters nina Angel at Tony, abangan na lang kung sila pa rin ang bibida sa part 2 ng “Glorious.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending