Maymay, Edward may bagong regalo sa milyun-milyong Mayward fans | Bandera

Maymay, Edward may bagong regalo sa milyun-milyong Mayward fans

Ervin Santiago - January 17, 2019 - 04:46 PM

SIGURADONG magpipiyesta na naman ang milyun-milyong fans nina Maymay Entrata at Edward Barber.
Matapos ngang mapanood sa blockbuster MMFF 2018 entry na “Fantastica” na pinagbidahan ni Vice Ganda, may bagong gagawing proyekto ang magka-loveteam na dapat abangan ng kanilang mga supporters.

In-announce na ng Star Music na tinatapos na nina Maymay at Edward ang kani-kanilang solo album at inaasahang iri-release later in the year under ng Star Pop.

Nag-post ang Star Music ng litrato ng MayWard sa kanilang official Instagram page na may caption na: “Are you excited for @maymay and @edward_barber ‘s upcoming albums? #StarPopAlbumSOON!”

Sa kanyang Instagram Stories naman, nagpasalamat si Maymay kay ABS-CBN Music head Roxy Liquigan at Star Music producer-songwriter Rox Santos sa patuloy na pagtitiwala sa kanila ni Edward, lalo na sa paggabay sa kanilang singing career.

“Maraming salamat po, Sir Roxy Liquigan and Sir Rox Santos sa panibagong album na aabangan po namin ngayong taon. Siyempre, ‘di rin papahuli si Dodong dahil may upcoming album din siya ngayong taon!” post ni Maymay.

Ito na ang ikalawang album ni Maymay. Unang lumabas ang kanyang nine-track self-titled album noong June, 2017. Kabilang sa mga kantang nakapaloob sa nasabing album ay ang duet nila ni Edward na “Mahal Kita Kasi”, “Titig Ng Pag-ibig” at “Baliw”.

Samantala, hindi naman minamadali ng dalawang Kapamilya youngstars ang tungkol sa kanilang relasyon. Hanggang ngayon, ang palaging isinasagot nila sa tanong kung nasaang estado na ang kanilang samahan, “We’re soulmates!”

Naniniwala sina Edward at Maymay na may perfect timing ang lahat ng bagay, lalo na ang seryosong pakikipagrelasyon.

Ayon naman kay Edward, alam nila ni Maymay na maraming nawiwirduhan sa special friendship nila, “We’re perfectly aware that some people find us somewhat weird and it’s just okay because that’s what we really are in reality. We’re comfortable being such.

“I feel like many people these days, particularly the millennials can relate to our weirdness considering that they’re more or less our age,” ang pahayag ni Edward sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending