P37B consultancy ibinigay ng DBM noong 2018
NAG-AWARD ang Department of Budget and Management ng P37 bilyong halaga ng consultancy contract noong 2018.
Batay sa mga dokumento na isinumite ng DBM sa House committee on rules na pinamumunuan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., kaugnay ng mga proyekto na dumaan sa Procurement Service ng DBM.
Ang pinakamalaking consultancy fee ay nagkakahalaga ng P14.3 bilyon at nakuha ng Project Management Consultancy para sa PNR South Long Haul Project ng North-South Railway Project. Ini-award ito noong Oktobre 31, 2018.
Nagkakahalaga naman ng P11.7 bilyon ang kontrata ng General Consultancy para sa Metro Manila Subway Project Phase 1 (Valenzuela-Paranaque). Na-award ito noong Oktobre 18.
Ang P37 bilyon halaga ng consultancy contract ay bahagi ng P168 bilyong pondo na inilipat ng Department of Transportation sa DBM-Procurement Service.
Ang mga dokumento ay ibinigay ni Executive Director Bingle Gutierrez, ng DBM-PS sa pagdinig ng Rules committee noong Enero 15.
“Para talagang megamall na ng kontrata ang DBM. Hindi lang mga contractors at suppliers ang pumipila sa DBM para makakuha ng kontrata. Pati pala mga consultants, pumipila na rin doon.
Sinabi ni Andaya na lumagpas ang DBM-PS sa mandato nito na ang binibili lamang dapat ay mga common supplies gaya ng ballpen, lapis, at bond paper.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.