Horoscope, January 16, 2019 | Bandera

Horoscope, January 16, 2019

Madam Sophia |January 16,2019
facebook
share this

Horoscope, January 16, 2019

Madam Sophia - January 16, 2019 - 01:21 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito ng 2019 lakas ng loob ang magiging susi na magbubukas ng malalaking tagumpay at pagwawagi. Maraming magagandang oportunidad na darating at kapag ito ay iyong sinugod tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, lalong iinit ang nanlalamig na relasyon.  Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)  Mapapasa iyo ang tagumpay sa taong ito ng 2019, basta’t ikilos lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa iyong puso, lakas ng loob ang kailangan. Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)  Sa taong ito ng 2019 wag hayaang manaig ang damdamin! Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, habang tumatagal, tuloy-tuloy na ang isang masaya at mas mainit na relasyon. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)   Sa pinansyal, sa biglaang desisyon at aksyon malaking suwerte ang makakamit.  Sa pag-ibig, ngayong Year of the Pig, wag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang magagandang oportunindad lalo na sa pag-ibig, sunggab agad ang dapat.  Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)    Sa taong ito ng 2019 magbubukas sa iyong harapan ang pintuan ng langit. Ito ang panahon na puwede kang humiling ng kahit ano, at siguradong matutupad. Bilang pasasalamat anumang matupad sa mga hiniling mo, tumulong kang lagi sa mga mahihirap at kapos palad. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) Hindi ka dapat magyabang, dahil sa patuloy na pagpapakumbaba, sa taong ito ng 2019 higit kang kikita ng mas malaking halaga, at sa pag-ibig tuloy-tuloy pa rin ang maligayang pakikipagrelasyon sa isang nilalang na medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Gayatri-Savitra-Om.” Green  at golden yellow ang buenas.

 Virgo – (August 23 – September 22) Sa taong ito ng 2019 isa-isa ng matutupad ang lahat ng mga plano mo sa buhay. Kapag kumita ng malaking halaga, unahin ang pagse-savings at wag na wag sasayangin ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-iibig, habang buhay na mananatiling tapat ang kasuyo kaya ingatan mo ang kanyang pagmamahal at wag na wag mo siyang sasaktan. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)    Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggaban agad!  Sa pag-ibig, magte-text, ang kasuyo – na mi-miss ka na naman niya, puwede ka ng makipagkita kahit hindi pa dumarating ang Araw ng mga Puso! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)   Simulan ang 2019 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya mas mabilis na madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, nakapagtatakang kahit lagi mong pinapagalitan ang iyong kasuyo lalo namang siyang sumusunod at nahuhumaling sa iyo. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga! Kikita ako ng malaking halaga! Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang talaga at totoong mangyayari ngayong taong 2019, “Kikita ka ng malaking halaga!” Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)  Sa taong ito ng 2019  may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Wag ng magdalawanbg isip pa, sunggaban agad. Sa pag-ibig, isang tigang na Cancer  ang magpapasin sa iyo, hanggang sa tuluyang mabuo ang isang matimyas at masarap na relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhuvah-Bhanah-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Tanggalin mo na rin sa iyong buhay ang mga kaibigang plastic at tsinitsismis ka lang. Sa pagbabagong buhay, susuwertehin ka na! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitra-Om.” Yellow at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)   Sa taong ito ng 2019 magbagong simula ka. Bagong pangarap at bagong ambisyon ang dapat. Baguhin mo na rin ang kundisyon ng iyong isipan na mabagal kumilos at magpatupad, Kapag naging mabilis ka ngayong taong 2019, mabilis ka ring uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending