Kilalang female star nabubuhay pa rin sa nakaraan, male celeb pinaglalaruan lang | Bandera

Kilalang female star nabubuhay pa rin sa nakaraan, male celeb pinaglalaruan lang

Cristy Fermin |January 16,2019
facebook
share this

Kilalang female star nabubuhay pa rin sa nakaraan, male celeb pinaglalaruan lang

Cristy Fermin - January 16, 2019 - 12:15 AM


BUUNG-BUO sa isip ngayon ng mas nakararami na walang namamagitan sa isang aktres at sa isang aktor na balitang nagkakamabutihan na. Wala talaga, as in, wala.

Ayon sa malalapit sa dalawa ay totoong binabalak sana nilang maging close uli dahil dati na silang nagkaroon ng relasyon, pero hindi sinsero ang babae, may matindi pa rin siyang problema.

Kuwento ng aming source, “Para kasing nilalaro lang ni ____ (pangalan ng magandang aktres) ang pag-ibig. Parang sige-sige lang siya sa mga tuksuhan, pero ang totoo, e, hindi pa rin siya nakakapag-move-on.

“Parang love on the rebound lang ang gusto niyang gawin, samantalang ang guy, e, seryoso sa mga ginagawa niya. Kawawa naman ang lalaki kung ganu’n, kasi, parang nakikipaglaro lang naman ang girl,” unang chika ng aming impormante.

Hanggang ngayon nga, kahit nagmamatapang pa ang babae sa pagsasabing nakalimot na siya, ay umiikot pa rin ang kanyang buhay sa ex niyang aktor.

“Tama bang puro nakaraan ang ipino-post niya? Kung anu-ano ang ipino-post niyang scenario, samantalang ‘yung lalaki naman, e, parang binabalewala lang siya?

“Nakakahiya, TH na TH ang dating niya, super-trying hard na tuloy ang image niya. Imagine naman, napakatagal na nilang hiwalay, may sariling family na ngayon ang guy kahit pa hindi sila kasal ng bago niyang karelasyon.

“Maayos na ang buhay nila, enjoy na enjoy sila sa sitwasyon nila, pero ang girl na ito, puro pagpa-flashback pa rin ang alam niya.

“Paano siya makakapag-move-on kung ganyan ang pinaggagagawa niya? 2019 na, magbago na siya, hindi hinahanap ang bagong karelasyon, totoo ‘yun, pero kailangang makalimot na siya sa nakaraan.

“Nakakahiya, pinagtatawanan tuloy siya ngayon, umiikot pa rin kasi ang buhay niya sa lalaking nang-iwan sa kanya. Hanapin na lang sana niya ang sagot kung bakit ba kasi siya ipinagpalit sa iba?

“‘Yun lang ang makakapagpasaya sa kanya, let go of the past, para maging maligaya na siya! May mga lalaki namang gustong manligaw sa kanya, pero gumagawa siya ng paraang hindi ‘yun mangyari, kasi nga, ang past pa rin niya ang palagi niyang binabalik-balikan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, i-bash n’yo nga ang babaeng ‘yan na walang kadala-dala! Ang ganda pa naman ng name niya, may pakpak siya, nakalilipad!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending