'TBATS' nina Boobay at Tekla ipangsasabong kay Vice Ganda | Bandera

‘TBATS’ nina Boobay at Tekla ipangsasabong kay Vice Ganda

|January 16,2019
facebook
share this

‘TBATS’ nina Boobay at Tekla ipangsasabong kay Vice Ganda

- January 16, 2019 - 12:25 AM

TULOY na ang bakbakang Vice Ganda versus Boobay at Super Tekla! Ang tambalang TeklaBoo ang ipangsasabong ng GMA 7 sa talkshow ni Vice sa kabilang network tuwing Linggo.

Naging matagumpay kasi ang Kapuso comedic duo nina Boobay at Tekla sa pinag-uusapan at laging trending na digital comedy program na The Boobay and Tekla Show kaya nagdesisyon ang GMA na ipalabas na rin ito sa free TV.

Kaya mula sa short-form online capsules, mapapanood na every Sunday night ang TBATS sa Kapuso Network. Every episode features celebrity guests, engaging in spontaneous and genuinely funny conversations with the hosts as well as segments where the hosts interact with everyday people.

Sa presscon ng TBATS kamakalawa, sinabi ni Boobay na gagawin nila ni Tekla ang lahat para mas pasayahin ang viewers every Sunday night, “Nagpapasalamat ako sa GMA kasi nakita nila yung chemistry namin ni Tekla as tandem. Pero para sa akin, fans ang may kagagawan kung bakit kami mapapanood sa telebisyon.

“Kung hindi dahil sa suporta nila, sa libu-libong likes at views na binibigay nila sa amin sa bawat episode ng show namin, hindi kami mabibigyan ng chance ng GMA. Kaya maraming salamat talaga, para sa kanila ito,” ani Boobay.

Sey naman ni Tekla, “Yung nararamdaman ko is sobrang tuwa and at the same time, challenging din ito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na responsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang yun, para sa amin, seryosong bagay ito.

“Pero mas nangingibabaw yung feeling na level up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon on national TV na. Buong mundo na ang makakapanood sa amin so promise namin mas effort pa, more fresh ideas,” aniya pa.

Tungkol naman sa pakikipagbanggan sa show ni Vice Ganda, hindi kumpetisyon ang tingin nila rito.

“Wala kaming ano dito, intensyong manibag. Ang amin lang, nagkataon lang siguro and management decision, kaya para sa amin work lang. Basta grateful kami sa bagong blessing na ito,” sabi ni Tekla.

“Noong in-offer nga sa amin ito and I said, ano po ba yung (timeslot)…oh my God! Pader po ang babanggain namin nito pero they gave us time naman para makapag-prepare.

“At ang dami ngayong naghahanap ng work sa hirap ng buhay. Kaya sa amin walang ganu’n ganu’n (bakbakan). Ang importante trabaho lang at ang purpose ng TBATS – to entertain people,” hirit pa ng komedyante.

Sey naman ni Boobay, “Yes. Magdadagdag lang kami ng kasiyahan, lalo na Linggo ng gabi. Para masarap ang tulog nila at maganda ang pagsisimula ng bagong week.”

At least ngayon may choice na ang mga manonood tuwing Sunday night. “Korek. Yung mga viewers talaga gagawin naming mas masaya pa ang inyong linggo,” chika pa ni Boobay.
Promise ng dalawang Kapuso comedian, puro pampa-good vibes lang ang hatid nila sa viewers kaya bawal ang nega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga bonggang live performances sa TBATS, live prank, nakakalokang mga interview with celebrity guests at ang hit na hit na “Dear Boobay And Tekla” segment.

Ang The Boobay And Tekla Show ay sa direksyon ni Rico Gutierrez at magsisimula na sa Jan. 27, 10:25 p.m. sa GMA Sunday Grande.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending