Baron Geisler: I'm praying sana makabalik ako sa Star Magic | Bandera

Baron Geisler: I’m praying sana makabalik ako sa Star Magic

Ervin Santiago |January 13,2019
facebook
share this

Baron Geisler: I’m praying sana makabalik ako sa Star Magic

Ervin Santiago - January 13, 2019 - 06:32 PM

ISA sa mga ipinagdarasal ngayon ni Baron Geisler ay ang makabalik sa Star Magic.

Tuloy-tuloy na nga ang pagbabagong-buhay ng kontrobersyal na aktor matapos sumailalim sa isang rehabilitation program dahil sa pagkalulong sa alak.

Sa mga litratong ipinopost ni Baron sa kanyang Instagram account makikita ang mga makabuluhang bagay na pinagkakaabalahan niya, kabilang na riyan ang pagiging speaker sa mga suicide prevention seminar para sa mga tulad niyang minsan nang nasira ang buhay at career dahil sa bisyo.

Sa panayam kay Baron ng ABS-CBN, sinabi niyang lagi niyang ipinagdarasal na sana’y mabigyan uli siya ng chance na makabalik sa showbiz.

“I’m praying, sana makabalik sa Star Magic. Siguro sa buong stay ko sa rehab isa ‘yun sa halos pinagdadasal ko araw-araw,” pahayag ng aktor.

Ayon kay Baron, nagkaroon siya ng chance na makakuwentuhan ang Star Magic Head na si Johnny Manahan kamakailan, “I feel good. Actually, I just came from ABS-CBN. I visited Star Magic, I reconnected with them and I really had a good talk with Mr. M, my mentor, my godfather in our industry.”

Nagpasalamat naman si Baron sa lahat ng mga taong nakatulong sa pagbangon niya uli mula sa pagkabagsak dahil sa bisyo.

“Wala po akong ipinapangako, ipinapangako ko po sa sarili ko to keep working on my program, my structure, and sustain sobriety. And I’m praying to sustain my work, my job, and my business,” chika pa ng magaling na aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending